‘First Bulilit to get married!’ Dating child star na si Carl Barrameda, ikinasal na

Images via ABS-CBN Entertainment and @iamjosel | YouTube/Instagram
  • Muling nagsama-sama ang mga Goin’ Bulilit child stars na nagpasaya sa marami noong mid-2000s
  • Animo ay nag-instant reunion sila sa kasal ng former child actor na si Carl Barrameda at ng kanyang fiancee na si Nikolai Cimatu
  • Si Carl ang unang Goin’ Bulilit child star na ikinasal; nakadama ng nostalgia ang maraming social media users na bigla raw naramdaman na tumatanda na sila

Time flies, sabi nga nila. Ikinasal na ang dating Goin’ Bulilit child actor na si Carl Barrameda sa kanyang fiancee na si Nikolai Cimatu — isang wedding ceremory na naging instant reunion sa mga dating child star na nagpasaya sa marami noong mid-2000s.

Image capture from Instagram

Sa social media, kanya-kanyang pagbabahagi ng larawan ang ginawa ng mga malalapit na kaibigan ng former child wonder na ikinasal sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Kabilang sa kanila ay mga kasama niya sa unang batch ng Goin’ Bulilit na umere sa ABS-CBN simula 2005 hanggang 2019; na sina Miles Ocampo, John Manalo, Igiboy Flores, CJ Navato, Trina “Hopia” Legaspi, at Alfred Alain.

Si Carl ang unang Goin’ Bulilit child star na ikinasal; kaya’t hindi naiwasang makadama ng nostalgia ang maraming social media users na bigla raw naramdaman na tumatanda na sila.

“OMG, like he was just part of Goin’ Bulilit before and now he’s getting married na!” saad ng Instagram user na si @princessmae_gg.

“What?” kumento ni @everyonesgrandad, kasabay ng pagbabalik-tanaw sa masayang kahapon habang pinanonood ang mga batang komedyante noon, “Parang kailan lang ay tumatawa pa ako sa inyo sa Goin’ Bulilit.”

“Tumatanda na nga ako. Huhu ikakasal na siya, oh!” ani @annderthemoon.

Wika naman ni @itsallaboutmyra, “Na-miss ko tuloy iyong Goin’ Bulilit ng mga old batch.”

Image capture from Instagram

Parang kailan lang talaga, ano? Ngayon, hindi na umeera pa ang show at may kanya-kanya nang tinatahak na landas ang mga dating aktor na kabilang dito. Gayunman, hinding-hindi mawawala ang masasayang alaalang hatid nito sa napakaraming Pilipino.

Best wishes, Carl at Nikolai!