Driver’s license exam, magiging available na sa local o regional languages

  • Malapit nang maging available sa iba’t ibang regional languages ang driver’s license exam sa Pilipinas
  • Ito’y matapos atasan ni Transportation Secretary Arthur Tagude ang LTO na gawing mas ‘comprehensible’ ang naturang exam
  • Inaasahan namang magiging epektibo ito bandang Abril ngayong taon

Upang mas maging ‘comprehensible’ at ‘accessible’ sa publiko, malapit nang i-offer ang driver’s license exam sa English, Tagalog, at pati na rin sa iba’t ibang regional languages o dialects ng bansa.

Pinagtibay ito ng Department Order No. 2020-003 na nilagdaan ni Transport Secretary Arthur Tugade noong Pebrero.

Car, Driving, Route, Interior, Navigation, Tachometer
Public Domain Image

“We have already created a team for each of the major dialects. The assigned team will translate the driver’s license examination. The translation will be checked by experts of the language to ensure that the terms are accurate and official,” pahayag ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante sa isang statement.

Sa ilalim ng naturang order, inaatasan ng Department of Transporation (DOTR) ang Land Transportation Office (LTO) na i-translate ang driver’s license exam sa mother tongue ng mga kukuha nito. Tinataya namang magiging epektibo ito bandang Abril ngayong taon o tatlumpung araw simula nang aprubahan ni Tugade ang panukala.

Paliwanag din ni Tugade, ang department order ay bunga raw ng kanyang pakikipag-usap kasama si Davao Oriental Rep. Joel Almario.

“Sa isang pulong, hiningi ni Cong. Mayo na isalin sa iba’t-ibang lengguwahe ang examination questions. Napakagandang suhestyon niyan kaya bakit hindi natin tatanggapin at ipatutupad?” saad ni Tugade sa isang statement.

Driving, Car, Navigation, Speed, Car Driving, Road
Public Domain Image

Bukod pa rito, inaasahang maayos rin itong tatanggapin ng publiko lalo na’t binibigyan nito ng konsiderasyon ang mga balak makakuha ng driver’s license mula sa Visayas at Mindanao kung saan hindi masyadong ginagamit ang Tagalog.

“In the interest of justice and for the effective enforcement of land transportation laws, the DOTr recognizes the need to afford examinees the opportunity to fully comprehend the driver’s license examination,” dagdag pa ni Tugade.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: