Catriona Gray may mensahe para sa mga Pinoy sa gitna ng pangamba ng COVID-19

  • Sa gitna ng pangamba dulot ng COVID-19 sa bansa, ipinag-utos na ng pangulo ang “enhanced community quarantine” sa buong Luzon
  • Halos lahat ng Pinoy ngayon ay pinapayuhang manatili sa kanilang mga bahay; maski mga celebrity o personalidad ay apektado
  • Dahil sa mga pangyayari, may mensahe si Catriona Gray upang bigyang pag-asa ang maraming Pinoy sa gitna ng unos na ito

Kamakailan, ipinatupad ng pamahalaan ang “enhanced community quarantine” sa buong Luzon matapos umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 dito sa bansa.

Imahe mula kay Catriona Gray via Instagram

Ang isa sa pinakalayunin ng pamahalaan ay ang panatilihin ang mga Pinoy sa kani-kanilang mga tahanan. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat pa ng nasabing virus.

At sa kabila ng mga balita tungkol sa mga kaso ng COVID-19, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga Pinoy na malalalagpasan natin ang ganitong unos. Dagdag sa kanilang pag-asa ay ang mga positibong mensahe mula sa mga tinitingalang personalidad.

Isa sa mga personalidad na ito ay ang Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang personal account sa Instagram, ibinahagi ni Catriona ang kaniyang mensahe sa gitna ng pangamba ng marami dulot ng COVID-19.

Imahe mula Instagram

So many places in our world are so contrastingly empty now as we all stay in our homes in the interest of public safety,” panimula ni Catriona.

Aniya, ang ganito umanong mga pangyayari ay nagdudulot ng hindi maganda sa ating isipan at pakiramdam, lalo na at hindi naman lahat ng Pinoy ay kayang manatili sa kani-kanilang tahanan sa kadahilanang kailangan nilang kumayod upang kumita ng pera.

Many of our workers are still going out everyday to help in supplying food, services and especially, those who are tirelessly on the frontlines in all our medical centers and hospitals,” dagdag pa ni Cat.

Dahil sa mga pangyayaring ito, hiniling ni Catriona sa kaniyang mga followers at mga nakababasa ng kaniyang mensahe na isama sa kanilang araw-araw na panalangin ang lahat ng Pinoy na naaapektuhan ng virus.

Nagbigay din ng payo sa Catriona na gawing pagkakataon ang pananatili sa bahay upang mas mapalapit sa pamilya, mga minamahal, at higit sa lahat, sa Maykapal.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: