Campus memories: Mga nakakatawa at nakatutuwang alaalang ibinabalik ng multi pen

  • Isa ang multi pen sa paboritong school supplies ng mga estudyante
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung paano naging bahagi ng kanilang pag-aaral ang multi pen
  • Inalala rin nila ang kung paano nila pinaglalaruan ang ballpen na ito noon sa pamamagitan ng pagpindot nang sabay-sabay sa lahat ng kulay na mayroon ito

Kabilang ang multi pen sa mga school supply na gustong-gusto ng mga estudyante.

Image capture from Facebook

Bukod sa “cool” at kakaiba, malaki rin kasi ang naitutulong ng multi pen sa isang estudyante. Dahil narito na ang lahat ng kulay na madalas gamitin, hindi na kailangan pang kumuha nang kumuha ng ballpen mula sa lalagyan nila. Isang pindot lamang ay magagamit na nila ang kailangan nilang kulay; itim, pula, asul, berde, at iba pa.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung paano naging bahagi ng kanilang pag-aaral ang kakaibang klase ng ballpen na ito. Inalala rin nila ang kung paano nila pinaglalaruan ang ballpen na ito noon sa pamamagitan ng pagpindot nang sabay-sabay sa lahat ng kulay na mayroon ito.

“Aminin mo, sinubukan mo rin itulay lahat nang sabay-sabay. Isa rin po ako!” saad ng admin ng page.

“Oo nga, ang ganda kapag sabay-sabay!” tugon ng social media user na si Marites Paginag.

“Oo, para maging rainbow,” pagsang-ayon ni Joam Yap Cleofe.

“Ginawa ko rin iyan,” pagbabahagi ni Rachelle Bernardo. “Pero iyong dalawang kulay lang. Kaso hindi talaga kaya ng powers ko na pagsabayin ang dalawa kaya isa lang dapat. Huwag ipilit ang hindi pwede.”

Kuwento naman ng iba, naisin man nilang gumamit nito ay hindi maaari dahil masyado itong mahal kumpara sa karaniwang ballpen na kayang bilhin ng mga magulang nila noon.

Image capture from JetPens video | YouTube

Ikaw, ano ang hindi mo makalilimutan sa multi pens?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: