Batang 90s: Naaalala mo pa ba kung paano kumain ng Nooda Crunch?

  • Isang ready-to-eat noodles ang paboritong kainin ng mga batang 90s tuwing break time sa eskuwelahan o ‘di kaya’y tuwing merienda
  • Ito ang Nooda crunch, isang klase ng sitsirya na gawa sa noodles at nilalagyan ng powder para magkaroon ng flavor
  • Ang sitsiryang ito ay dinudurog at inaalog upang maghalo ang powder flavoring

Sa pagdaan ng panahon, nag-iiba na rin ang panlasa at kinahihiligan ng mga Pinoy lalo na sa pagkain. Ngunit ang mga kendi o sitsitrya na kanilang kinakain simula pagkabata ay hinding-hindi nila malilimutan mag-iba man ang hitsura o packaging nito.

Imahe mula Instagram / @yujialfonsotakasaki

Isa na marahil sa mga paborito at hinahanap-hanap na sitsirya ng mga batang 90s noon at magpahanggang ngayonay ang Nooda Crunch.

Ito ay isang klase ng sitsirya na gawa sa noodles, ngunit ‘di tulad ng noodles ng pancit canton o iyong mga iniluluto, ang noodles ng Nooda Crunch ay hindi niluluto o nilalagyan ng mainit na tubig.

Ang Nooda Crunch kasi ay kinakain na parang pumapapak lang ng noodles ng hindi pa lutong pancit canton. Ngunit upang lagyan ng lasa, mayroon itong pakete ng flavored powder (cheese at barbecue) na inihahalo sa mismong noodles.

Imahe mula Instagram / @cheeeezeball

Pagkatapos durugin ang noodles, hinahalo sa loob ng pakete ng Nooda Crunch ang flavored powder. Hahawakan ang binuksang bahagi ng pakete upang hindi tumapon ang noodles sa loob nito habang inaalog ito nang husto upang maghalo nang mabuti ang flavored powder sa noodles.

Pagkatapos alugin, maaari nang makain ang flavored noodles sa pamamagitan ng kamay o ‘di kaya ay hahawakan ang pakete at saka itatapat sa bibig at dahan-dahang ihuhulog dito ang noodles. Nakasaad nga rin sa pakete ng Nooda Crunch ang simpleng hakbang kung paano ito kakainin: CRUSH, MIX, SHAKE.

Imahe mula Instagram / @ilkean8

Ang ready-to-eat noodles na ito ay nagtataglay umano ng vitamin A na nagbibigay ng iba’t ibang nutrisyon sa katawan tulad ng pagpapabuti ng immune system at pagpapalakas ng buto sa katawan.

Sa mga naghahanap ng Nooda Crunch, ito ay mabibili pa naman sa mga piling convenient store tulad ng 7-Eleven. Hindi man tulad ng dati ang packaging nito, parehas pa naman ang paraan kung paano ito kainin at lalong-lalo na ang lasa.

Ano pang hinihintay mo? Nakakatakam, ‘di ba? Bili na ng Nooda Crunch!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: