Artwork na kinulayan gamit ang isa sa mga klasik na watercolor noon, kinamanghaan ng netizens

  • Viral ngayon sa social media ang artwork na kinulayan gamit ang isa sa mga klasik na watercolor noon
  • Ayon sa post ng artist na lumikha nito, naubusan siya ng ‘pigments’ kaya napilitan siyang gamitin ang lumang watercolor
  • Umani naman ng papuri ang artist dahil sa kanyang angking galing at kamangha-manghang resulta ng artwork

May kasabihan tayo na wala pa ring makatatalo kapag ang usapan ay ang iyong talento. Kahit anong mangyari kasi, ang talento ng isang tao ay hindi mananakaw ng sinuman. Ito rin ang nagsisilbing sandata at kayamanan na tiyak na ipagmamalaki ng mga susunod sa iyong henerasyon.

Halimbawa, kung ikaw ay magaling sa larangan ng musika, kahit matagal ka nang hindi tumutugtog ay tila parang balewala ang mahabang panahong iyon sa oras na hawakan mo ulit ang iyong gitara. At kung ikaw naman ay magaling sa larangan ng sining partikular sa pagguguhit at pagpipinta, tiyak na makalilikha ka pa rin ng kamangha-manghang artworks kahit anong uri pa ng materyales ang iyong gamitin.

Image may contain: outdoor
Imahe mula sa Facebook | Jc Vargas

Ganito ang napatunayan ng artist na si JC Vargas matapos niyang i-post ang resulta ng kanyang pagpipinta gamit ang isang lumang uri ng watercolor. Pahayag din niya, naubusan siya ng ‘pigments’ kaya napilitan siyang gumamit ng “Golden Brilliant Watercolors” na isa sa mga klasik na watercolor ng mga batang ’90s.

“So I was forced to use this ancient watercolor since I’m out of pigment. Golden, baka naman..,” sabi ni JC.

Agad namang nag-viral ang kanyang Facebook post na kasalukuyang humahakot ng mahigit 30,000 reactions at 19,000 shares. Pinuri rin ng mga netizens ang Pinoy artist dahil sa kanyang angking galing at talento.

“Once an artist, always an artist. Materials doesn’t matter, your talent does,” saad ni Aerhyeth Adorador. “This is an example that an art’s greatness should not be based on what material was used. It’s on the artist hands and mind,” komento rin ni Kim Cotmaya.

Imahe mula sa Facebook | Jc Vargas

Bukod pa rito, hindi rin naman naiwasan ng ilang netizens na magbalik-tanaw sa watercolor na ginamit nila noong elementary.

Though I don’t draw or paint, this watercolor is so reminiscent for me. This is the brand I had in my primary days,” sabi ni Marvin Laguerta. “Noong bata ako sabi ko pa parang ang may diperensiya yung watercolor na to [kasi] pinapapangit ang “art” ko… Ngayon dahil dito narealize ko ako lang pala ang may diperensiya,” biro naman ni Pepay Stm.

Ikaw? Anong masasabi mo tungkol dito? Isa ka rin ba sa gumamit noon ng “Golden” water color?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: