‘Apples for COVID heroes’: Budget sa kaarawan ng anak, ipinambili ng kahon-kahong mansanas para sa frontliners ng Marikina

  • Ipinagpaliban ng isang ama ang paghahanda sa ikawalong kaarawan ng kanyang mahal na anak 
  • Sa halip na punuin ng masasarap na pagkain ang kanilang hapag, minabuti ni John Patrick na bumili ng kahon-kahong mansanas
  • Ang mga mansanas ay para sa frontliners ng lungsod ng Marikina

“An apple a day keeps the doctor away,” ayon sa isang English proverb–ngunit iba ang hangad ng amang si John Patrick de Guzman nang pumunta sa tanggapan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro dala ang kahon-kahong mansanas. Bukod sa sustansyang dala ng mga prutas na ito, umaasa rin siya na makapaghahatid ito ng ngiti sa labi ng frontliners na itinuturing ngayong “COVID heroes”.

Image via Marikina PIO | Facebook

Dahil batid niya ang sakripisyo ng mga health worker para matiyak ang kaligtasan ng mga karaniwang mamamayan, ipinagpaliban ni John ang paghahanda sa ikawalong kaarawan ng kanyang mahal na anak na si Noam Zheev. Sa halip na punuin ng masasarap na pagkain ang kanilang hapag, minabuti niyang gastusin ang budget para may maihandog sa mga unsung hero ng lungsod sa panahon ng krisis na ito: ang mga doctor, nurse, at medical personnel, pulis, at volunteers.

Hindi niya rin alintana ang pansamantalang pagkawala ng hanapbuhay niya bilang isang meat stall owner ngayong kasagsagan ng enhanced community quarantine. Nais lamang daw niyang makatulong sa sarili niyang paraan, sa abot ng kanyang makakaya.

Dahil sa kabutihang loob, pinasalamatan ng alkade ang residente at sinabi na ang diwa ng bayanihan–ang pagtutulungan at pag-aalay ng anumang makakaya–ang pinakamakapangyarihang sandata ng mga taga-Marikina.

“Hindi kayang mag-isa ito ng pamahalaan. Isang ehemplo ang tulad ni John na imbes na maghanda ay ipinamili ito ng prutas upang ipamigay sa ating frontliners katulad ng health personnel, pulis, at volunteers nagbabantay sa boarders, at iba pa,” aniya. “Isang patunay ito na may bayanihan sa ating lungsod, dahil ang isang tunay na taga-Marikina ay hindi maramot, hindi sarili ang inisiip kundi iniisip ang kapakanan ng lahat.”

Image via Marikina PIO | Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: