‘Adobong Bicol’: Masarap at pangmatagalang ulam sa panahon ng community quarantine

  • Isa ang “adobong Bicol” sa mga ulam na puwedeng lutuin ngayon dahil mahalagang mag-imbak ng pagkain
  • Sa Facebook, ibinahagi ng isang nanay ang recipe ng ulam na ito na mairerekomenda raw niya sa gitna ng ginagawang enhanced community quarantine sa kasalukuyan
  • Bukod sa pang-ulam, maaari rin daw itong isahog sa ibang putahe

Sa panahong mahalagang mag-imbak ng pagkain para maiwasang lumabas ng bahay, isa ang “adobong Bicol” sa mga ulam na puwedeng lutuin at itabi para sa mga susunod na araw.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng isang nanay ang recipe ng ulam na ito na mairerekomenda raw niya sa gitna ng ginagawang enhanced community quarantine na inasagawa ngayon sa Luzon. Bukod sa hindi nasasakripisyo ang lasa kahit pa magtagal ito sa tabihan, tipid din daw ang ulam na ito dahil maaari rin itong isahog sa ibang putahe.

“Nag-iisip ng masarap at pangmatagalang ulam since naka-quarantine tayo? Ganito po lutuin niyo! Matagal po itong mapanis lalo na kung madaming mantika. P’wede n’yo rin pong gawing pansahog sa mga ginisang lulutuin n’yo. Pati ang mantika ay walang tapon kasi puwede na ring ulam at isabaw-sabaw ninyo lang nang konti sa mainit na kanin tapos budburan ng konting asin. O, ‘di ba, mantika pa lang ulam na?” saad ni Judy Ann Bercasio Nuñez sa caption ng litrato ng ulam na ito na kanyang ini-upload sa Facebook.

Simple lamang daw ang mga kailangan para makapagluto nito: karne ng baboy, bawang, asin, paminta, at tubig.

“Pakuluan ang karne; isabay na ang bawang, paminta, at asin. Hintaying matuyo ang tubig but make sure na malambot na iyong karne. ‘Pag tuyo na, lagyan na ng mantika at prituhin. Palamigin muna bago ilagay sa malinis na container,” aniya. “Dukot-dukot lang po if want na pangmatagalan. Huwag pong isahang kain lang.”

Image via Judy Ann Bercasio Nuñez | Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: