400,000 food packs ipamimigay sa mga Pasigueño bago matapos ang linggo⁠ – Mayor Vico

  • 400,000 food packs ang ipamimigay sa mga Pasigueño bago matapos ang linggong ito
  • Sa kanyang opisyal na Facebook page, sinabi ni Pasig Mayor Vico Sotto na kasalukuyan nang inihahanda ang Purchase Request para sa food packs ng mga residente
  • Naghatid ito ng good vibes sa netizens at marami ang napa-sana all

Daan-daang libong food packs ang ipamimigay sa mga Pasigueño bago matapos ang linggong ito.

Image capture from Facebook

Sa kanyang opisyal na Facebook page, sinabi ni Pasig Mayor Vico Sotto na kasalukuyan nang inihahanda ang Purchase Request para sa 400,000 food packs ng mga residente na ngayon ay apektado ng enhanced community quarantine na isinasagawa sa gitna ng banta ng COVID-19.

“Sa kasalukuyan ay inihahanda na namin ang Purchase Request para sa 400,000 food packs. Hindi magiging madali ang logistics nito. Wala na po tayong panahon para mag-organisa katulad noong pamaskong handog. Hihingi ang lungsod ng tulong sa mga pamahalaan pambarangay para sa distribusyon. Tulong po ito ng lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan, lalo na’t maraming ‘di nakakapagtrabaho ngayong community quarantine,” saad ng alkalde.

Hinimok ni Sotto ang mga residente ng lungsod na sumunod at makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para sa ikabubuti ng lahat.

“Magtulungan po tayo at sumunod sa quarantine para mas mabilis din nating malagpasan ito,” aniya.

As of posting, nakakuha na ng halos 10,000 comments, mahigit 31,000 shares, at lampas 75,000 reactions ang post ng city mayor. Pinuri ng marami ang alkalde sa lahat ng ginagawa nito para sa lungsod at sa mga residente nito.

Image capture from Facebook

“Thanks, Mayor. Sobrang blessed kaming mga taga-Pasig dahil ikaw ang mayor ngayong may ganitong sitwasyon,” wika ni Evelyn B. Pagayunan.

“Mayor, you’ve raised the bar so high for the other leaders that can’t even catch up to the minimum requirements of being a true public servant. I’m not from Pasig but would loved to be a Pasigueño. Napapahanga ako talaga sa ‘yo. You are born and destined to become a leader. Sulit na sulit ang pagboto nila sa ‘yo!” wika naman ni Jill Medina.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: