4 na pulis, pinatuloy at pinakain ng isang tatay sa Makati City

  • Hinangaan ang isang tatay sa La Paz, Makati City nang patuluyin at pakainin niya ng hapunan ang apat na checkpoint police kamakailan
  • Ayon kay Royce Tendenilla, naghahanap ang mga ito ng makakainan, ngunit bigo dahil sa maagang pagsasara ng karamihan sa mga establisimyento
  • Dagdag nito, ito ay bilang pasasalamat sa mga frontliners na lumalaban sa banta ng COVID-19

Bilang pasasalamat sa mga frontliners na lumalaban sa banta ng Corona Virus Disease o COVID-19, isang tatay sa Brgy. La Paz, Makati City ang nagpatuloy at nagpakain ng hapunan sa apat na checkpoint police.

Ayon sa post ni Royce Tendenilla, pasarado na ang kanilang canteen nang makita nila ang apat na pulis na naghahanap ng makakainan ng hapunan. Nang makita ang mga ito ng kanyang tatay ay inaya niya ang mga ito na sumabay na lamang sa kanilang pamilya na kumain ng hapunan.

Imahe mula kay Royce Tendenilla | Facebook

“May dumaang isang group ng pulis, naghahanap ng makakainan e pasarado na ‘yung canteen namin nung time na dumaan sila kaya sabi ni papa sumabay na lang sila sa amin kumain,” kuwento ni Tendenilla.

Idinagdag nito na ito raw ay bilang munting pasasalamat nila sa mga frontliners sa kanilang barangay.

“Saludo po kami sa lahat ng frontliners,” aniya.

Imahe mula kay Royce Tendnilla | Facebook

Naging viral naman ang post na ito ni Tendenilla na may mahigit 66k reacts at 56k shares as of posting. Nakaani rin ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

“Hala, kawawa naman sila. Thank you po sa nagmagandang loob.”

“Bait ng papa mo. May God continue to bless your family. Salute to our frontliners! Ingat po kayo lagi.”

Alinsunod sa pagspapatupad ng enhanced community quarantine sa buong isla ng Luzon, nakapalibot ngayon ang mga awtroridad sa iba’t- ibang checkpoints.

Imahe mula sa Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: