Vlogger Jose Hallorina, binigyan ng hanapbuhay ang lalaking may karamdaman at namamalimos

  • Itinampok ng vlogger na si Jose Hallorina ang isang namamalimos sa lansangan na may kakaibang kondisyon
  • 44 taon nang dala-dala ni Gary ang hemangioma
  • Nais niya sanang magkaroon ng hanapbuhay at hindi naman siya binigo ni Jose

Kilala ang vlogger na si Jose Hallorina sa pagtatampok ng mga ordinaryong tao sa ating lipunan. Nakatanggap siya ng email mula sa tagahanga patungkol sa isang lalaking may karamdaman at namamalimos sa lansangan.

Imahe kuha mula sa video ni Jose Hallorina via YouTube

Agad siyang nagpunta  sa labas ng isang fastfood outlet kung saan kadalasang namamalimos ang lalaking nagngangalang Gary.   Unang binigay ni Jose ang dala niyang pagkain.  Nalaman niyang inborn  na pala ang ganoong kondisyon ng mukha ni Gary na ang tawag ay hemangioma.  44 taon na niyang dinadala ang kanyang kalagayan.  At noong 2009 nagsimula na raw lumabo ang kanyang mga mata.

“Ano kaya ang magpapatigil sa’yo sa pamamalimos dito?” tinanong siya ni Jose.

“Hanapbuhay ho,” sagot ni Gary. Nais niya sanang bigyan ng tindahan ang kanyang ina.

Noong bata pa lang siya, nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang kaya napunta siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Ngunit nawalan din siya ng lola dahil sa malubhang sakit.  Ngayon, nakatira siya sa Bagong Silang kasama ang ama.

Kahit sa kanyang kalagayan, ni minsan, hindi niya naisp na gumawa ng masama para mabuhay.  Nanatili raw siyang mabait.

Maraming mga netizens ang nagkuwentong parati raw nilang nakikita sa labas ng Jollibee si Gary.  Marami naman din daw ang nagbibigay sa kanya ng pagkain,  Dati rin daw nagbebenta siya ng basahan.

Imahe kuha mula sa video ni Jose Hallorina via YouTube

Matapos ang kanilang pag-uusap bumili si Jose ng mga paninda sa katabing grocery store.  Masayang-masaya si Gary nang ibinigay na sa kanya ang mga ito.

“Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Diyos, “ wika niya.

Nagbigay naman ng mensahe si Jose na nangangarap siya na sana’y wala nang mamalimos na tulad ni Gary sa bansa natin.

Humanga  ang mga netizens sa kanya dahil sa patuloy niyang pagtulong ng mga kagaya ni Gary na salat sa buhay.  Ang mga kagaya niya raw ang mga vlogs na makabuluhan at nagbibigay ng kasiyahan panoorin.

Harinawa, ang panindang naibigay kay Gary ay magdulot ng kaginhawaan upang maiwasan na niya ang pamamalimos.

Narito ang video ni Jose Hallorina.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: