
- Kinagiliwan at nagdala ng nostalgia sa social media users ang
throwback photo ng dating child star na si Alexa Ilacad - Sa Instagram, nagbalik-tanaw sa kahapon ang young actress na malapit na raw magpaalam sa pagiging teenager; hindi raw siya makapaniwala na malapit na siyang mag-20
- Unang nakilala si Alexa bilang isang young commercial model sa television ad ng Vaseline
Napakabilis nga naman ng panahon. Ang mga child stars na nagbigay ng tuwa sa marami noon, mga dalaga at binata na ngayon — katulad na lamang ng dating child actress at commercial model na si Alexa Ilacad.

Sa Instagram, nagbalik-tanaw sa kahapon ang young actress na malapit na raw magpaalam sa pagiging teenager. Aniya, hindi siya makapaniwala na malapit na siyang mag-20 years old.
“Baby Alexa, 16 years ago. Look at that double chin! I can’t believe I’m turning 20 in a few days (and I still have that double chin),” saad ng aktres na magdiriwang ng kaarawan sa darating na February 26.
Kinagiliwan at nagdala ng nostalgia sa social media users ang throwback photo na ito ng dating child star; na nakakuha na ng lampas 94,000 favorites, as of posting.
Maging sila ay hindi makapaniwala na papasok na sa kanyang 20s ang child actress na parang kailan lang ay nagpapasaya sa kanila sa Goin’ Bulilit at gumaganap lamang na batang bersyon ng mga artista noon.
“So cute naman ng bata ‘to! Gusto ko talaga ito, e. Nagulat na lang ako na dalaga na siya sa The Killer Bride,” kumento ng Instagram user na si @jenny_correa_16.

“Kaya ang sobrang ganda mo kasi sobrang cute mo noong bata ka,” kumento ni @aguilar.annejazz.
Pagbabalik-tanaw naman ni @itsannemazing, “Vaseline girrrrl!”
Matatandaang unang nakilala at kinagiliwan si Alexa bilang isang young commercial model sa television ad ng Vaseline, kung saan siya ay gumanap bilang isang flower girl.