Sino ang mas maarte magbihis ng mga anak? Alamin ang reaksyon ng mga misis at mister

  • Ibinahagi sa social media ang kaibahan ng nanay at tatay pagdating sa pamimili ng masusuot ng mga anak
  • Namimili raw ng terno-terno ang nanay samantalang pagdating sa tatay, kung ano ang madampot ‘yun na ‘yon
  • Alamin kung ano ang reaksyon ng mga mister at misis base sa kanilang karanasan

Sino ba ang nagbibihis sa inyong mga anak?  Si nanay?  O si tatay?  May isang post ang Mommy Thoughts Facebook page na siguradong marami ang makare-relate.

Imahe via Mommy Thoughts | Facebook

“Kapag ang nanay ang nagbibihis ng anak, nagteterno-terno.  Pero kapag si mister ang nagbibihis sa anak, kahit ano na lang madampot.”  ‘Yan ang post na pinag-usapan ng mga netizens.  May katotohanan kaya ang mga linyang ito?

Ayon sa mga kumento, hati ang reaksyon ng mga netizens.  Maraming misis ang nagsabing ganitong -ganito sila ng mister nila.

“Kapag tuwing, pinabibihisan ko sa kanya ang anak namin ‘yong kung ano lang madampot.  Pero pag bibili siya mga damit ng anak namin terno-terno naman.”

“Relate.  Ganyan hubby ko kung ano makuha niya ok na kaya pagdating sa susuotin ng baby namin lagi kami nagtatalo.”

May mga mister din na mas magaling sila at maarte sa pagpili ng damit ng mga bata.

“Haha baliktad kami ni mister.  Ako kasi kahit ano lang ok na eh.  Walang arte-arte saka ‘yong totoo ‘di ako marunong tumingin kung bagay ba.  Puwede pa kung girl anak namin.  Samantalang kay mister, hindi puwedeng hindi nakapamporma.  Alam niya kung ano babagay sa anak naming lalaki.”

“Depende po siguro kasi boy baby ko kaya wiling-wili din bihisan ni mister.  Pareho daw kasi silang pogi. Kaya lang nga talagang hahalukayin ‘yong damitan.”

Imahe via Arian Maraan Morales | Facebook

Maaaring nakadepende kung sino ang nagbibihis at ano ang kaasarian ng mga anak. Dahil kapag babae, tiyak na hindi makatiis ang misis na hindi bilhan ng mga kyut na OOTDs ang mga anak at malamang twinning pa silang mag-iina.  Ang mga mister naman, gustung-gustong bihisan ang mga lalake lalo na’t game na game din ang mga ito sa pagpapaporma.

Ang importante maayos at kumportable ang damit ng mga anak at naaayon din sa okasyon o pupuntahan.

Ano’ng say ninyo? Minsan ba’y nagtatalo kayo ni mister dahil dito?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: