Regine Velasquez nagpahayag ng saloobin hinggil sa napipintong pagsasara ng ABS-CBN

  • Nagpahayag ng saloobin si Regine Velasquez-Alcasid tungkol sa napipintong pagasasara ng ABS-CBN
  • Sa isang Instagram post, sinabi ng Asia’s Songbird na tiyak na malaki ang magiging epekto ng pagsasara ng Kapamilya network
  • Bukod kasi sa mga artistang mami-miss na panoorin ng publiko sa telebisyon, daan-daang empleyado rin ang posibleng mawawalan ng trabaho

Hindi na napigilan ng Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez-Alcasid na isapubliko ang kanyang saloobin tungkol sa napipintong pagsasara ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Instagram | @reginevalcasid

Sa isang Instagram post, sinabi ni Regine na malaki ang magiging epekto ng pagsasara ng Kapamilya network — hindi lang para sa mga artista kundi pati na rin sa mata ng publiko at lalo na sa daan-daang trabahador ng kumpanya.

Ipinaliwanag din niya ang magiging implikasyon kung sakaling matuloy ang pagsasara ng ABS-CBN.

“Pano ako kakanta kung wala nang ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibig sabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mangyayari sa Love Thy Woman at iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat,” panimulang pahayag ni Regine.

Dagdag pa niya, hindi na rin daw mapapanood nang libre ng masa ang mga magagaling na mang-aawit ng istasyon pati ang mga komedyanteng nagbibigay ng ngiti sa maraming labi. Higit sa lahat, ipinunto ng Kapamilya singer ang kahalagahan ng paghahatid ng balita at iba pang importanteng impormasyon na maaari ring mawala kasabay ng pagsasara ng ABS-CBN.

“Alam kong sasabihin n’yo meron pa namang ibang networks… tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?? Maganda rin may pinagpipilian ka dahil alam ng networks ‘yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin,” paliwanag ni Regine.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Bukod pa rito, inamin din ni Regine na siya ay nag-aalala sa daan-daang artista at empleyadong umaasa sa ABS-CBN para sa kanilang kabuhayan.

“Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig, paano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila. Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sa yo pero sa amin personal ito,” saad n’ya.

Matatandaang Oktubre 2018 noong lumipat sa Kapamilya network si Regine. Kadalasan din siyang sinusubaybayan ng mga fans sa Sunday noontime show na ASAP.

 

View this post on Instagram

 

Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibigsabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat. Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA. Hindi na natin makikita sila Mori,Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre. Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!!!!Hindi na tayo makaka discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin. Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard.Higit sa lahat wala ng BALITA at importating impormasyon tayong mapapanood. Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?? Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila. Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE😊 Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya. Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila. Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraangabscbn

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: