Random act of kindness: Lalaki, walang alinlangang tinulungan ang isang lolo

  • Binalaan ng Department of Health ang publiko na umiwas muna sa mga mataong lugar o iwasan ang pagkakadikit sa iba lalo na sa may mga sakit
  • Ito ay para maiwasan na mahawaan ng kumakalat ngayon na novel Coronavirus o nCov
  • Ngunit mayroon pa ring iba na mas pinipiling hawakan ang ibang tao upang makatulong sa nangangailangan, tulad ng ibinahagi ng isang netizen

Dahil sa kumakalat na nCov na nagsimula sa lungsod ng Wuhan sa China at ngayon ay nakarating na dito sa Pilipinas, pinaaalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga dapat gawin upang hindi mahawaan ng nasabing virus.

Imahe mula AFP

Bukod sa pag-iwas sa pagpunta sa lugar na maraming tao, sinabi ng DOH na maigi ring palakasin ang immune system ng katawan upang hindi agad mahawaan o dapuan ng nCov.

Proper hygiene at tamang pagsusuot ng surgical mask tuwing pupunta sa labas ay kasama rin sa mga dapat tandaan upang makaiwas sa nasabing virus. Mas mabuti rin umano kung hindi muna hahawak sa ibang tao.

Ngunit paano kung sa lansangan ay nakakita ka ng taong nangangailangan ng tulong? Handa ka bang makipagsapalaran na hawakan ang nasabing tao kahit hindi ka sigurado kung mayroon ba itong karamdaman?

Imahe mula kay Micaela Reyes via Facebook

Para sa lalaking nakita ng isang netizen, hindi pumasok sa kaniyang isipan ang ganitong mga katanungan. Dahil nang makita niya na mayroong matandang lalaki na nangangailangan ng tulong, agad niya itong nilapitan.

Sa Facebook post ni Micaela Reyes, ibinahagi niya ang mga litratong kaniyang nakuhanan habang tinutulungan ng isang lalaki ang animo’y nanghihinang matanda sa Sabang, Lipa City sa Batangas.

Imahe mula kay Micaela Reyes via Facebook

Makikita sa litrato ang isang lalaki habang akay-akay ang matanda. Ani Reyes, “Nakita ko na lang po na tinutulungan nung lalaki si lolo na maglakad akay-akay po nung lalaki sa kabila po ng init po sa daan.”

Ayon pa kay Reyes, nakaaantig umano sa puso ang ginawang “random act of kindness” ng lalaki sa lolo lalo na sa panahon ngayon na pinag-iingat ang lahat dahil sa kumakalat na virus.

“Sa kabila po ng sakuna at mga nangyayari sa paligid, makakakita ka po ng ganyan napakagaan po sa pakiramdam,” dagdag pa ni Reyes.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: