Prenup photos kung saan binalikan ang high school favorite spots, kinakiligan online

  • Kaniya-kaniyang pakulo ang nauuso ngayon para sa mga magkasintahang ikakasal at mayroong pre-nuptial photo shoot
  • Ang iba sa mga pakulong ito sa prenuptial photo shoot ay nagiging viral at usap-usapan pa online
  • Tulad na lamang ng isang pre-nuptial shoot kamakailan na binalikan ang mga alaala nila noong high school habang nakasuot pa ng school uniform

Ngayong panahon ng modernisasyon at social media, marami na ang tumataliwas sa mga tradisyonal o pangkaraniwang ginagawa sa lipunan.

Imahe mula kay Glenn Jubs via Facebook

Isa na marahil sa halimbawa ng pagbabago sa lipunan ay ang pagpapakasal ng mga magkasintahan. Bukod sa nauusong iba’t ibang tema, marami na rin ang may magagarbo at trending na mga litrato sa kanila pa lamang pre-nuptial pictorial.

Iba’t ibang pakulo ang ginagawa ng mga magkasintahan sa tuwing magkakaroon sila ng pre-nup pictorial. Ito ay upang mas maging memorable sa kanila o ‘di kaya naman ay nagpapakita ng kanilang personalidad bilang magkasinatahan.

Marami na ang mga naging viral dahil sa mga litrato nila sa kanilang prenup photos at videos. At sa pagpapalawak ng modernisasyon at popularidad ng social media, marahil hindi na matatapos ang mga paandar na ito ng mga magkasintahang ikakasal.

Imahe mula kay Glenn Jubs via Facebook

Sa katunayan, isa na namang photo shoot ang naging trending dahil sa nakakakilig nilang tema. Para kasi sa kanilang prenup photos, pinuntahan ng magkasintahan ang mga hindi malilimutang lugar noong sila ay nasa high school pa lamang habang nakasuot pa ng school uniform.

Kuha ang mga litrato nina Mark Arnel Amodia at Marie Anne Tago sa lumpia house malapit sa Saint Alphonsus Catholic School sa Lapu-Lapu City sa Cebu. Parehong dito pumasok ng high school sina Mark at Marie Anne.

Imahe mula kay Glenn Jubs via Facebook

Ayon sa kuwento ni Mark, second year HS pa lamang daw ay may gusto na siya kay Marie Anne. Ngunit dahil hindi niya kayang umamin sa dalaga nang panahong iyon, noong nasa kolehiyo na lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang magtapat sa dalaga.

Dahil din umano sa social media kaya nagkalapit ang dalawa. Hindi nagtagal, mas lalong umusbong ang kanilang pag-iibigan na nauwi na sa kasalan. Ikinasal na ang dalawa noong nakaraang Pebrero 8.

Bisitahin ang Facebook page ng kanilang photographer na si Glenn Jubs upang makita ang iba pang mga nakakakilig na litrato nina Mark at Marie Anne.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: