Peter’s Butter Ball: Isa sa mga kending paborito noon ng mga batang 90s

  • Isa ang Peter’s Butter Ball sa mga kendi na gustong-gusto noon ng mga batang Pilipino 
  • Sa isang Facebook post, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng popular na kendi noong dekada 90
  • Sa katunayan, hindi lang daw mga bata ang nahilig dito kung hindi pati na rin ang mga nakatatanda na madalas itong baunin sa tuwing bibiyahe

Natatandaan mo pa ba ang bilog na kending kilala sa tawag na “butterball”? Hindi maikakailang isa ang Peter’s Butter Ball sa mga kendi na gustong-gusto noon ng mga batang Pilipino.

Image capture from Instagram

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng popular na kending ito noong dekada 90. Wika pa nila, sa katunayan ay hindi lamang daw mga bata ang nahilig dito kung hindi pati na rin ang mga nakatatanda na madalas itong baunin sa tuwing bibiyahe noon. At kahit daw hindi maiiwasang minsan ay malunok ito at mabilaukan, tuloy pa rin daw sila sa pagkahilig dito dahil masarap at kakaiba ang lasa.

“Butterball, ang baon kong candy during our board exam,” pagbabalik-tanaw ni Josephine Ann Lucas Vea.

“I love butter ball! When I was a kid I used to buy and enjoyed them,” aniya

“Iyong nakahiga ka habang libang na libang na nagbabasa ng komik, tapos habang kumakain ka niyan ay bigla mo na lang malulunok,” wika naman ni Carl Clariel.

“Masarap nga iyang candy,”  ani Ester Placido Sarmiento. “Kaya lang ingat sa pagkain at baka malunok ninyo dahil bilog.”

Mayroon din mga nagsabi na madalas pa rin nila itong hanapin sa mga pamilihan ngunit palagi silang nabibigo na makita ito. Anila, sana maging katulad ng dati na halos lahat ng tindahan ay nagtitinda nito.

Image capture from Instagram

Ikaw, ano ang hindi mo makalilimutan sa candy na ito? Ibahagi ang kuwento sa comments section.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: