Pasahero ibinida sa social media ang traysikel drayber na nagsauli ng naiwan niyang cellphone

Imahe via CheChe Nadela | Facebook
  • Naiwan ni CheChe ang kanyang cellphone sa sinasakyang traysikel papuntang simbahan
  • Ikinuwento niya sa social media ang katapatan ng drayber na agad nagsauli ng selpon niya

Isang magandang balita sa Gensan ang nagbigay ng good vibes as Facebook sa unang Linggo ng Pebrero.

Imahe via CheChe Nadela | Facebook

Sumakay ng traysikel si CheChe Nadela, isang netizen, papuntang simbahan.  Nang makarating sa Our Lady of Peace and Good Voyage ng Gensan, kumuha siya ng pambayad sa kanyang bag.  Nakalimutan niyang nailapag niya pala sa upuan ang kayang cellphone at hindi na ito nabitbit.  30 minuto na ang nakalipas nang matandaan niyang naiwan niya pala sa traysikel ang selpon.

Dali-dali siyang nagpunta sa mga security guards ng simbahan at nagtanong kung may nagsauli ba ng cellphone ngunit wala raw.  Tinawagan niya ito at nagriring naman. Matapos ang ilang beses na tawag,  sinagot ito ng drayber. Tinanong agad si CheChe kung sa kanya ba raw ito.

“Opo kuya. Pasuyo na lang po ako pakibalik dito sa simbahan, kuya,” kuwento ni CheChe sa social media. Akala kasi ng drayber sa mga pasahero niya raw ito na lasing. Sinabi niyang hihintayin na lang siya sa simbahan dahil ibabalik niya raw ito agad.

Wala pang limang minuto, dumating na si manong at nakuha ni CheChe ang kanyang cellphone. Malaki ang pasasalamat niya at pati mga security guards, nakipagkamayan din sa drayber.

Ipinost ito ni CheChe sa social media para magpasalamat at sana’y mapangalanan ang drayber.   Nagbigay naman ito ng good vibes sa mga netizens.

“May the Lord fulfill and give you more blessings to come in your life kuya driver.  Bihira lang ang mga taong ganyan ngayon kaya dapat siyang tularan.”

“Thank you so much kuya for your kindness. You are a good example to others, God bless you always po.”

Imahe via CheChe Nadela | Facebook

Bilang pasasalamat, nabigyan ng pabuya si manong.

Salamat, manong, sa iyong katapatan.  Masakit mawalan ng gamit lalo na’t ito ay mamahalin.  Sa mga pasahero naman, lagi tayong alerto sa ating mga dala dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga drayber na kagaya ni manong.