“Parang magbabarkada na sabay-sabay tumanda”: Litrato ng mga senior citizen sa isang fastfood restaurant, umani ng pansin

  • Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato ng mga senior citizen na nakatambay sa isang fastfood restaurant
  • Hirit kasi ng Facebook uploader sa caption ng post, parang magkakabarkada lang sila na sabay-sabay tumanda
  • Dahil dito, maraming magkakaibigan tuloy ang naantig at humiling na sana’y umabot din sila nang ganoong katagal

Marahil maituturing na isang kayamanan ang makatagpo ng pang-matagalang mga kaibigan. ‘Yung tipong kahit ilan pang dekada ang lumipas, sila pa rin ang iyong makakasama sa kasiyahan, problema, gimik, at kung minsan nga, pati sa kalokohan.

Imahe mula sa Facebook | Nith

Kaya naman sa viral post kung saan tampok ang litrato ng mga senior citizens habang nakatambay sa isang fastfood restaurant, bumuhos ang hiling ng mga netizens na sana’y makahanap din sila ng ganoong klaseng pagkakaibigan.

Pahayag din kasi sa caption ng uploader na si Nith, kinunan niya ito ng litrato dahil “para silang magbabarkada na sabay-sabay tumanda”.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 41,800 shares at 26,400 reactions ang naturang post. Kaliwa’t kanan na rin ang pag-tag ng mga netizens sa kanilang matatalik na kaibigan.

“Titas of the Philippines chapter heads meeting – set 30 years from now,” biro ni Jasper Bernal. “Nako kung ganito tayo until pagtanda, for sure sobrang ingay pa din,” komento ni Diane Jean Reyes.

“Alam ko na itsura natin 20 years from now,” hirit naman ni Noben Ibarra sa kanyang mga kaibigan.

Public Domain Image

Bagama’t hindi pa kumpirmado kung magkakaibigan nga ang mga senior citizens sa larawan, sapat na ang ‘vibes’ na binigay nila sa larawan para mapa-“sana all” ang mga netizens.

Tunay nga, hindi maitatanggi na masarap magkaroon ng subok na ng panahon na mga kaibigan na pipiliing mananatili sa iyong tabi kahit sa paglipas ng panahon.

Ani nga ng sikat na author na si Paulo Coelho: “Friendship is not about whom you know the longest. It is about who came and never left.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: