Pagkatapos iwan ang dating management: Xian Lim, aminadong natakot sa bagong simula

Image via Xian Lim | Instagram
  • Inamin ng aktor na si Xian na nakaramdam siya ng takot matapos iwan ang Star Magic dalawang taon na ang mkararaan
  • Ngunit matapos lumipat sa Viva Films at gumanap ng iba’t ibang karakter, masaya raw si Xian sapagkat sa mga role na ito siya lumalago bilang aktor
  • Isa ang papel niya sa pelikulang “UnTrue” sa mga naiibang pagganap na nasubukan niya simula noong maging isang ganap na Viva Artist

Dalawang taon na rin simula noong iwanan ng aktor na Xian Lim ang talent agency ng ABS-CBN na Star Magic.

Image via Viva Films | Instagram

Sa media conference ng pelikulang UnTrue kamakailan, inamin ni Xian na sa simula ay nakaramdam siya ng takot matapos lisanin ang dati niyang management.

“Siyempre, may takot noong una na saan ba ako dadalhin ng panahon,” tugon niya sa tanong ng isa sa mga mamahayag. “I think kasali na po talaga iyon sa journey ng isang artista. As artists, lagi naming hindi alam ang future namin, lagi talaga naming hindi alam and there’s always that question, ‘What am I gonna do next after this project?'”

Kaya naman nagpapasalamat daw siya na naging bahagi siya ng Viva Films at nabigyan ng magagandang proyekto bilang aktor.

“Sobra akong nagpapasalamat sa Viva Family dahil binigyan nila ako ng pagkakataon at binibigyan pa nila ako ng pagkakataon to explore different characters and different roles,” aniya, lalo na at ang paghahangad na makapag-explore pa at lumago sa gitna ng prosesong ito rin daw ang dahilan kaya iniwan niya ang Star Magic na matagal-tagal din naging parte ng kanyang karera.

“As an artist, sometimes, you feel that you have the need to grow, and my contract with Star Magic that time e tapos na rin po. Nagpaalam po ako nang maayos, ‘Is it okay?’ Kasi sa panahon ngayon, the more na more platforms, the more characters, the more roles you do will help you grow,” ani Xian.

Image via Cha Echaluce

UnTrue

Kabilang sa mga recent project ni Xian ang pelikulang UnTrue kung saan kasama niya ang aktres na si Cristine Reyes. Sa direksyon ni Kita Kita director/writer Sigrid Bernardo, umiikot ang psychological-drama-thriller “he-said/she-said” film na ito sa mag-asawa na nauwi sa mga away at pisikalan ang dating masayang relasyon.

“Hindi siya typical film and, palagay ko, hindi ako sigurado pero palagay ko ito ang unang pelikulang Pinoy na nag-attempt gumawa ng ganitong klaseng pelikula. Ako, noong natanggap ko iyong script, nabasa ko, tuwang-tuwa ako. Ang ganda kasi,” pagbabahagi ni Cristine.

Nauna nang na-feature ang pelikulang ito sa prestihiyosong Tokyo International Film Festival noong October 2019 at sa darating na Pebrero 19 ay ipalalabas naman ito sa mga sinehan sa buong Pilipinas.