
- Sa gitna ng banta ng novel corona
virus o COVID-19, minabuti ng Department of Education na ipagbawal muna ang pagdaraos ng Junior-Senior (JS) Prom - Ito ay matapos maglabas ang ahensya ng memorandum para sa mga off-campus activity
- Samantala, nilinaw ng ahensya na ang sakop lamang ng nasabing suspensiyon ay ang mga public school
Isa ang Junior-Senior (JS) Prom sa mga kaganapan sa paaralan na talaga namang inaabangan ng mga mag-aaral sa hayskul. Suot ang magagarang kasuotan ay nagkakaroon sila ng pagkakataong makipagsayaw at gumawa ng mga alaala kasama ang mga kaeskwela.

Ngunit dahil sa banta ng novel coronavirus COVID-19, minabuti muna ng Department of Education (DepEd) na ipagbawal ang pagdaraos nito. Ang kautusang ito ay inilahad matapos maglabas ang ahensya ng memorandum para sa mga off-campus activity, na nagsasaad na, “All off-campus activities as defined in DepEd Order No. 66, s. 2017 (Implementing Guidelines on the Conduct of Off-Campus Activities) are suspended.”
Ani Education Undersecretary Alain Pascua, kung kabilang ang prom sa mga off-campus activity na gaganapin ngayong Pebrero, kailangan muna ito isuspinde.
“National events and activities, regional events and activities na isinama namin doon sa DepEd memo, including off-campus activites like educational tours and field trips ay suspended pa rin at this time,” wika niya. “If the Junior-Senior Prom is scheduled within the month, then it falls within off-campus activity, lalong-lalo na kung gagawin sa hotel, lalong-lalo na kung medyo intimate.”
Base sa ahensya, ang “off-campus activities” ay nangangahulugan na “authorized activity relevant to learning that takes place outside the school premises, participated by learners and supervised by teachers and/or staff and other concerned stakeholders.”

Samantala, nilinaw ng ahensya na ang sakop lamang ng nasabing suspensiyon ay ang mga pampublikong paaralan.
“For private schools they have that kind of autonomy or latitude in deciding whether they will suspend, if they will follow suit or they would go on based on their own due diligence,” paliwanag ni Pascua.