Pagbabawal sa mga tricycle at pedicab sa national highways, mas pinaigting ng gobyerno

  • Mas pinaigting ng gobyerno ang pagbabawal sa mga tricycle, pedicab, at motorized pedicabs sa national highways
  • Ito ay bahagi ng road clearing operations na pinamumunuan ng Department of the Interior and Local Government
  • Inatasan din ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga local government units na maghanda ng kani-kanilang tricycle route plans

Bilang bahagi ng road clearing operations na pinamumunuan ng Department of the Interior and Local Government o DILG, mas pinaigting ng gobyerno ang pag-iimpose ng ban sa mga tricycle, pedicab, at motorized pedicabs sa national highways.

Image result for tricycle
Imahe mula sa FFE Magazine

Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular 2020-036, nakasaad na bukod sa pagbabawal nito, kailangan ding gumawa ng tricycle task force ang mga local government units para may mamahala sa pagpapatupad ng bagong tricycle route plan sa kani-kanilang lugar.

“Matagal na nating ipinagbabawal ang mga tricycles at pedicabs sa national highway ngunit ang daming pasaway. Hindi lang ito nakakasagabal sa daan kundi nagiging sanhi ng sakuna sa kalye. Kaya dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at ang pulis at siguruhing maipapatupad ang ban na ito,” pahayag ni Año.

Bukod pa rito, hinihikayat din ng DILG Chief ang mga LGU na isali sa kanilang plano ang pagpapagawa ng lokal na kalsada o mga overpass kung saan puwedeng dumaan ang mga tricycle.

“Local governments must review and modify tricycle routes according to the ban and are encouraged to include in their plans the construction of local roads or overpasses where the tricycles can operate,” ani ni Año.

Imahe mula sa Flickr

Gayunpaman, posible pa ring mag-isyu ng ‘exemptions’ ang lokal na sanggunian kung sakaling wala talagang available na alternatibong ruta sa kanilang lugar.

Ngunit paglilinaw ng DILG, may kaakibat na show-cause order at iba pang administrative cases ang mga LGU na mapatutunayang hindi susunod sa batas na ito.

“It is the responsibility of local chief executives to exact accountability and impose the corresponding sanctions against non-supportive or non-compliant local officials and employees,” paliwanag ni Año.


Loading...
Source :

DILG

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: