‘Old school lunch box’: Baunang yari sa dahon ng saging, mas pinasasarap daw noon ang pagkain

  • Bago pa nauso ang mga baunang pinaglalagyan ng kanin at ulam, sapat na ang dahon ng saging para paglagyan ng pagkaing dala sa paaralan man o sa trabaho
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang “old school na lunch box”
  • Pagbabahagi nila, para bang mas sumasarap ang kanilang baon kapag sa dahon ito nakabalot

Noong hindi pa uso ang mga baunang pinaglalagyan ng kanin at ulam, o iilan pa lamang ang gumagamit ng mga ito, sapat na ang dahon ng saging para paglagyan ng pagkaing dala sa paaralan man o sa trabaho.

Image capture from Facebook

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang tinatawag nilang “old school na lunch box”. Hinding-hindi raw nila makalilimutan ang mga panahong ito ang pinaglalagyan ng kanilang pagkain. Pagbabahagi pa nila, para bang mas sumasarap ang kanilang baon kapag sa dahon ito nakabalot.

“Who needs foil or plastic lunch box?” tanong ni Zeny Hawkins. “Food taste better and friendly to environment, and sustainable.”

“Pati nga sa Christmas Party noong elementary days namin ay diyan nakabalot ang baon namin na kanin na may itlog na pula at kapirasong longganisa,” kuwento ni Flordeliza Pingol.

“Ay, oo,” ani Angelie Parco. “Diyan ibinabalot ng aking ina ang baon kong pagkain sa tanghalian noong elementary days ko tapos pumupunta kami ng mga kaeskwela ko sa tabing ilog para kumain doon.”

“Mabango ang kanin kapag ibinalot sa saging. Ito ang baunan ko noong elementary. Ang madalas na ulam ko ay inihaw o piniritong tamban, malapit kasi kami sa dagat at iyon ang palaging huli ng papa ko at ng mga mangingisda sa amin,” wika ni Jonavel Delmo.

“Masarap kumain sa ganiyan kahit tuyo ang ulam mo,” pagbabahagi ni Isiah Jayden Dinglasan. “Kung bakit lalong sumasarap kapag nasa dahon ng saging ang pagkain? Umaga pa lang nakuha na ang magulang ko niyan para pagbalutan ng baon ko.”

Image capture from Facebook

Ikaw, ganito rin ba ang baunan mo noon?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: