Nostalgic feeling: Ang pagbabalik ng Sony Walkman

  • Isa sa ginagamit ng mga tao noon upang makinig ng mga kanta ay ang cassette players
  • Ang kompanyang Sony ang pinakaunang naglabas ng Walkman, isang portable cassette player na maaring dalhin kahit saan, kahit kailan
  • Ngayon ay ibabalik ng Sony ang Walkman, pero ‘di tulad ng dati, ang mga katangian nito ay sumasabay sa teknolohiya ngayon

Bago pa man nauso ang mga pinaka high-tech na gadget ngayon at ang popularidad ng online streaming apps tulad ng Spotify, ang cassette players na ang itinuturing na pinakaunang MP3 player noon.

Imahe mula Shutterstock

Ginagamit ang cassette players noon upang makinig ng mga nauusong kanta. Hindi tulad ng mga gadget ngayon, ang cassette player ay kinakailangan pang lagyan ng cassette o tape kung saan dito naka-record ang mga kanta.

Mayroong side A at side B ang naturang cassette tape, at pagkatapos mong makinig ng kanta ay kinakailangan itong ikutin pabalik para ma-rewind ang mga kanta.

Taong 1979 nang ilabas ng kompanyang Sony ang kauna-unahang portable cassette player na Walkman. Hindi tulad ng ibang cassette player, ang Walkman ay maaaring dalhin kahit saan at kahit kailan dahil nalalagyan ito ng headset.

Imahe mula Shutterstock

Isa ang Walkman sa pinaka-matagumpay na brand na inilabas ng Sony, ito rin ang nagbigay daan upang mabago ang “music experience” ng maraming tao.

Sa pagbago ng panahon, nagbago rin ang format ng Walkman mula sa cassette tape, CD, Mini-Disc, at MP3. Ngunit dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ng smartphones, unti-unting nawala sa lime light ang Walkman.

Ngunit kamakailan, inanunsyo ng Sony na maglalabas ulit sila ng pinakabagong bersyon ng Walkman—mahigit 40 na taon simula noong ito ay unang ilabas: ang Walkman A100 Series!

Imahe mula Instagram

Tulad ng pinakaunang Walkman, parihaba rin ang sukat ng A100. Ngunit imbes na lalagyan ng cassette tape o CD, ang A100 ay kaya nang maglaan ng “streaming music.”

Mayroon ang A100 na touch screen display at pindutan sa gilid. Ito ay suportado rin ng Android at kaya nitong kumonekta sa Wi-Fi. Nilagyan ito ng Sony ng 16 GB internal storage na maaari ding lagyan ng microSD card.

Sa pagbabalik ng Walkman, tiyak na marami ang magbabalik-tanaw sa kanilang mga karanasan noong una nilang inibig ang pakikinig ng mga kanta.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: