
- Isa sa mga popular na laruan ng mga batang Pilipino noon ang mga plastic jumping frog
- Sa post ng Facebook page na Batang 80s Laking 90s, binalikan ng mga “young once” ang maliliit na laruang nagbigay ng malaking tuwa sa kanila noong sila ay mga paslit pa
- Bagama’t madalas itong nakukuha bilang free sa tsitsirya, nabibili rin ang mga ito sa tindahan sa murang halaga lamang
Noong hindi pa moderno pati ang mga nilalaro ng mga bata, simple lamang ang mga nagpapasaya sa kanila.

Isa sa mga popular na laruan ng mga batang Pilipino noon ang mga plastic jumping frog o ang maliliit na plastic toy frogs na iba’t iba ang kulay at maaaring patalunin kung kanilang nanaisin. Bagama’t madalas itong nakukuha bilang free ng tsitsirya, nabibili rin ang mga ito sa tindahan sa murang halaga lamang.
Sa post ng Facebook page na Batang 80s Laking 90s, binalikan ng mga “young once” ang maliliit na laruang nagbigay ng malaking tuwa sa kanila noong sila ay mga paslit pa. Saad ng admin ng page na si “Nick” sa caption ng litrato, “Mga laruan na gawa sa plastic at kapag pinindot mo ang bandang puwitan ay tatalon ang mga ito. Nalaro ba ninyo ito noon?”
“Ito lamang ang laruan ko noon. Ito rin lang kasi ang mura at minsan ay free pa sa mga pagkain. Hahaha!” pagbabahagi ng social media user na si Gian.
“Elementary days kung saan muntik na akong isabit ng lola ko sa sobrang gulat niya nang ito ay kanyang matapakan, habang ako naman ay tawang-tawa sa aking nakita,” ani Crestel Joy Galeon.
“Madalas akong makakuha nito sa tsitsirya,” pagbabalik-tanaw ni Jham Mai Ca.

Pagbabahagi naman ng iba, nagkakarerahan pa raw silang magkakalaro gamit ang mga laruang palaka na ito at napasaya raw nila habang nagpupursigi na manalo.