Nostalgia: Mahilig ka rin bang manungkit ng bunga noong bata ka pa?

  • Nakagawian noon ng mga bata na manungkit ng mga bunga sa tuwing makakakita ng punong hitik
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga sandaling nanunungkit sila ng bunga sa mga madadaanang puno at ito ang gagawing meryenda
  • Ang iba, ginagawa raw ito kahit na suot pa ang uniporme sa eskwela

Sa gitna ng paglalakad mula sa bahay, sa paaralan, o kung saan mang lugar na pinasyalan, minsan ay nakakikita tayo ng mga puno na hitik sa bunga. Alam ba ninyo na isa itong biyaya para sa mga bata noong araw?

Image capture from Facebook

Nakagawian na kasi noon ng mga batang Pilipino na manungkit ng mga bunga sa tuwing makakakita ng punong hitik na hitik.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga sandaling nanunungkit sila ng bunga sa mga madadaanang puno at ito ang gagawing meryenda. Ang iba, ginagawa raw ito kahit na suot pa ang uniporme sa eskwela; hindi alintana kung marumihan ito at mapagsabihan na naman ng kanilang nanay.

“Iyon bang pauwi ka na galing sa school tapos may nadaanan ka na puno na may mga hinog na bunga! Gagawa ka talaga ng paraan para maabot lamang siya,” saad ng admin sa caption ng litratong ibinahagi nito.

“Ay, oo, ginagawa din namin ‘yan noong kabataan namin,” wika ng Facebook user na si Guia Sto Tomas. “Paggaling namin sa school, doon kami sa puno ng aratiles.”

“Kung maibabalik lang sana, kay sarap mamuhay noong araw. Kahit kakaunti lang ang pera, nakaka-amaze dahil para bang kasyang-kasya at walang nagugutom,” kumento ni Mamu Cielo.

Pagbabalik-tanaw naman ni Kubai Esmail, “Gawain namin ito noon kaya kapag umuuwi galing sa school ay may mantsa ang uniform. May sermon tuloy galing kay nanay.”

Image capture from Facebook

Masuwerte kung hindi masungit ang may-ari at hahayaan lang kayong manguha. Paano naman kung hindi? Takbuhan na!

Ikaw, gawain mo rin ba ito noon?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: