Nostalgia: Bahay-bahayang yari sa mga kumot at unan, naging bahagi ng masayang kabataan

  • Naging bahagi ng masayang kabataan ng mga batang Pilipino noon ang paggawa ng bahay-bahayang gawa sa mga kumot at unan
  • Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahong naging masaya sila sa kanilang simpleng “bahay” o “hideout”
  • Samantala, may ilan na ginagawa pa rin daw ito hanggang ngayon para iparanas sa mga anak nila

Noong panahong hindi pa uso ang mga modernong gadget at digital games, isa ang bahay-bahayan sa mga larong nagpasaya noon sa napakaraming mga bata.

Image capture from Facebook

Anumang klaseng materyales ang gamit para mabuo ito, hindi maikakaila na isa sa mga nagbigay-kulay sa kamusmusan ng mga batang Pilipino noon ang paggawa ng bahay-bahayan.

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang isang klase ng bahay-bahayan na naging memorable sa kanila: ang bahay-bahayang yari sa mga kumot at unan. Anila, hindi na lalayo pa sa higaan dahil nagiging instant na “bahay” o “hideout” na kaagad ang mismong kama nila.

“Relate ako riyan,” wika ng social media user na si Zuelyn Demetillo Cordova. “Noong mga bata pa kami, gumagawa kami ng bahay-bahayan kasama ang mga friend namin.”

“Yes, we enjoyed our childhood by makeshift toys,” pagbabahagi ni Larry Ambon Bautista. “Bahay-bahayan na kumot at unan, baril-barilan na sanga ng madre kakaw, o pinagdugtong-dugtong na tingting gamit ang tangkay ng dahon ng gabi. Pumapasok na dahon ng gabi o saging ang payong.”

Natatawang kuwento naman ni Ivy Abel Dreo, “Super na-enjoy ko ang childhood experience ko dahil naglalaro ako ng bahay-bahayan. Ewan ko lang sa mama ko kung nag-enjoy din kalilinis ng mga kalat after maglaro.”

Image capture from Facebook

Samantala, may ilan daw na ginagawa pa rin ito hanggang ngayon para iparanas sa mga anak nila kung gaano kasayang laruin ito. Paminsan-minsan ay sumasali rin daw sila sa pagbabahay-bahayan ng mga bata kung hindi abala sa gawaing-bahay o walang pasok sa trabaho.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: