‘No’ng nalaman ko, sunod-sunod ang blessings’: JC, itinuturing na lucky charm ang magiging anak

  • Itinuturing daw na lucky charm ng aktor na si JC Santos ang kanyang magiging anak
  • Kamakailan ay ibinahagi ni JC kung gaano naging makulay at pinagpala para sa kanya ang taong 2019
  • Aniya, kabilang sa mga natanggap niyang biyaya ang muling pagtatagpo nila ng babaeng nambasted sa kanya 15 years ago na ngayon ay asawa na niya at ina ng kanyang magiging anak

Sunod-sunod daw ang biyayang dumating sa buhay ng popular actor na si JC Santos matapos niyang malaman na siya ay magiging isang ama na.

Image via JC Santos | Instagram

Sa isang recent interview kay JC na ini-upload ng PEP sa Facebook, ibinahagi ng aktor na itinuturing niyang biyaya at lucky charm ang kanyang magiging anak sa asawa na si Shyleena Herrera.

“Noong nalaman ko na nariyan na siya, sunod-sunod din talaga iyong project ko. So, isa siyang blessing sa akin. Dumami iyong projects ko simula noong nalaman ko,” wika ng aktor na isa sa mga pinakahinahangaan ngayon sa industriya.

Ikinuwento rin ni JC na sobrang excited na sila sa pagdating ng sanggol at talagang naghahanda na raw sila sa pagdating nito.

“Excited ako. Kinakabahan ako kasi baka may shooting ako. Sinabi ko naman sa work na, heads up lang, kung manganak iyong asawa ko, alis muna ako sa set tapos babalik na lang ako. Naiintindihan naman nila,” aniya.

Kamakailan ay ibinahagi ni JC kung gaano naging makulay at pinagpala para sa kanya ang taong 2019. Kabilang daw sa mga natanggap niyang biyaya ang muling pagtatagpo nila ni Shyleena; ang babaeng nambasted sa kanya 15 years ago na ngayon ay asawa na niya at ina ng kanyang magiging anak.

“2019 is the best year for me. 2019 lahat, sobrang thankful ako kay Lord na lahat ng pangarap ko, lahat ng dasal ko, natupad…pati ‘yong sa career,” sabi ni JC.

Image via JC Santos | Instagram

Loading...
Source :

Facebook, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: