Nagyeyelong tubig? Kaya mo pa bang maligo kung ganito ang ipangliligo mo?

  • Dahil sa hanging amihan kaya nakararanas ang Pilipinas ng malamig na panahon
  • Sa Manila ay may naitalang pinakamalamig na temperatura na pumalo sa 18.5°C habang sa Baguio naman ay umabot ng 10.2°C
  • Ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng nagyeyelong tubig dulot ng malamig na panahon, at isa sa mga pagsubok na dinaranas ng mga Pinoy ay ang pagligo sa umaga

Nakararanas ang Pilipinas ng malamig na panahon simula noong Enero, at inaasahang maaari itong magtagal hanggang Marso, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Imahe mula Freepik

Ayon pa sa PAGASA, ang malamig umano na panahon ay dala ng hanging amihan o northeast monsoon. Ang malamig na hangin na ito ay nagmumula sa hilagang silangan o northeast.

“The northeast monsoon] brings cold and dry air from mainland Asia na nakakaranas ng winter ‘pag ganitong buwan,” ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist, Chris Perez.

Dito sa Manila, naitala ang temperaturang umabot ng 18.5°C. Habang sa Baguio naman ay pumalo ang temperaturang 10.2°C. Ayon sa PAGASA, asahan ang temperaturang aabot ng 20°C hanggang 21°C sa Manila, at 10°C hanggang 11°C naman sa Baguio.

Imahe mula Freepik

Dahil sa lamig ng panahon, isa na marahil sa mga pagsubok na pinagdaraanan ng maraming Pinoy ay ang pagligo tuwing umaga, o maski kahit anong oras.

Naging trending topic pa nga sa Twitter ang “Ang lamig” dahil nga sa nararanasang panahon ngayon dito sa bansa.

Kaya naman sa litratong ibinahagi ni Jhay Eslao sa social media, hindi mapagkakaila na mahirap nga namang maligo sa panahon ngayon: lalo na kung ang tubig ay nagyeyelo!

Imahe mula kay Jhay Eslao via Facebook

Ang nasabing post sa FB ni Eslao ay nilagyan niya ng caption na: “sige sabihin nyo kung pano ako maligo”. Mayroon na itong mahigit 17,000 reactions at 35,000 shares ng mga netizen na may katulad na kalbaryo.

Sa infographic naman na ibinahagi ng GMA Public Affairs Facebook page, nilista nila ang mga benepisyong hatid ng pagligo ng malamig na tubig.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via Facebook

Ang ilan nga sa mga benepisyong ito ay: pagkabawas ng timbang, nagtatanggal ng pagkati ng balat, pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo, at pagdudulot ng magandang balat at malusog na buhok.

O tara, ligo na sa mala-yelong tubig! LOL


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: