
- Dumulog sa respetadong broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang bo
dyguard ng singer-actress na si Sarah Geronimo - Nitong Lunes, January 24, isinumbong ni Jerry Tamara kay “Idol Raffy” ang pa
nanakit umano sa kanya ng aktor na si Matteo Guidicelli sa gabi ng kasal nito sa aktres - Nauna nang itinanggi ni Matteo na may sina
ktan siyang kahit sino
Dumulog sa programa ng respetadong broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang bodyguard ng singer-actress na si Sarah Geronimo tungkol sa pananakit umano sa kanya ng aktor na si Matteo Guidicelli sa gabi ng kasal nito sa aktres.

Salaysay ni Jerry nitong Lunes, January 24, sinabihan sila ni Sarah noong gabing iyon na maaari na silang umuwi kaya agad niyang tinawagan si Mommy Divine para itanong dito kung ano ang kanilang susunod na hakbang, bilang ito raw ang talagang amo nila.
“Ma’am, for info lang po, pinapauna na po kami umuwi ni Ma’am Sarah. Ano po gagawin namin?” tanong niya umano sa ina ni Sarah habang nasa isang private roon daw ang aktres kasama ang pamilya ni Matteo.
Tugon daw ni Mommy Divine, “Huwag kayong aalis diyan. Malapit lang kami. Papunta na ako.”
Nang dumating daw si Mommy Divine ay nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawang pamilya, habang gumigitna lamang daw si Jerry para umawat. Aniya, pinaghiwalay pa niya ang dalawang pamilya noong uminit na lalo ang tensyon sa pagitan ng mga ito.
Pagkatapos ng komosyon, ilalabas na raw sana ng pamilya ni Matteo si Sarah sa fire exit. Ipinaalam ito ni Jerry kay Mommy Divine at tinanong ito kung ano ang gagawin niya. Dito ay inutusan siya na sundan ang mga ito at huwag hihiwalayan.
“Noong sinundan ko na, tinawag ko muna si Ma’am Sarah. Sabi ko, ‘Ma’am, bago po kayo umalis, kausapin muna po ninyo ang mommy n’yo.’ Sabi ng lalaki sa akin, ‘Huwag ka makialam dito, asawa ko ‘to,'” ani Jerry.
Nang paliwanagan daw niya si Matteo na nais lamang niyang kausapin ni Sarah ang ina nito ay bigla na lamang siya nitong sinaktan. Hindi na rin daw niya nadepensahan ang sarili dahil hinarang na siya ng mga bodyguard ng aktor.

Nauna nang itinanggi ni Matteo na may sinaktan siyang kahit na sino.
Ngunit ani Jerry, may CCTV cameras sa venue ng kasal na isang luxury hotel sa Bonifacio Global City. May mga tauhan din daw sa hotel na nakakita nito.
Narito ang video ng buong episode kung saan inilapit ni Jerry ang umano’y pananakit sa kanya ni Matteo: