‘Mga kakampi ni Nanay’: Sa Aspilets, Royal, at pagmamahal, lagnat mo’y natatanggal

Image capture from Facebook
  • Hindi raw makalilimutan ng mga “young once” ang “magic” ng “alagang nanay” sa tuwing may sakit sila noon
  • Sa Facebook, binalikan ng marami kung paano sila gumagaling sa simpleng Aspilets at Royal na sinabayan ng pag-aasikaso ng kanilang ina
  • May mga nagsabi rin na minsan ay hindi na kailangan ng Aspilets dahil parang sa Royal at sa pag-aasikaso ng kanilang ina pa lang ay gumaling na sila

Minsan, mapapangiti ka na lamang bigla kapag inisip mo ang mga “magic” na bumuo sa iyong kabataan — katulad na lamang ng “alagang nanay na may kasamang Aspilets at Royal”.

Image capture from Facebook

Hindi raw makalilimutan ng mga “young once” ang “magic” ng “alagang nanay” sa tuwing may sakit sila noon. Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung paanong sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para bang gumagaling sila sa simpleng sa Aspilets at Royal na sinabayan ng pag-aasikaso ng kanilang mapagmahal na ina. May mga nagsabi rin na minsan ay hindi na nila kailangan ng Aspilets dahil para bang sa Royal pa lang at sa pag-aasikaso ng kanilang magulang ay gumaling na sila.

“‘Pag nakakita ako nito, nami-miss ko ‘yong Lola, Nanay, Dadie, and Tatay Bigboy ko in heaven. Ito agad ibinibigay sa akin kapag nagkakasakit ako, ” pagbabahagi ni Caroline Tanquezon Longakit.

“Ganiyan ako kapag nagkakalagnat,” ani Virgie Estabillo. “Kaya ngayon, ‘pag umiinom kami ng royal ay naalala namin mag-asawa.”

“Bakit nga ba ‘pag may sakit ang mga bata noon Royal lang parang magaling agad tayo,” tanong ni Ester Onainim.

“Nakaka-miss ang moment na kapag may sakit ka, basta bilhan ka ng mama mo nito agad gumagaan ang pakiramdam mo dahil ramdam mo rin ang pagmamahal ni mother,” wika ni Whendy Vergara.

“Yup,” pagsang-ayon naman ni Princess Alisyah. “Tanggal agad lagnat. #AlagaNiNanay.”

Image via Pixabay