‘Mga holen lang ang bola!’ 90s libangan na ‘bilyar-bilyaran’, binalikan ng mga ‘young once’

  • Para sa mga batang hindi pa makapaglaro sa mga totoong bilyaran, kaligayahan na noon ang magkaroon ng “improvised billiards”
  • Mas popular sa tawag na “bilyar-bilyaran”, hindi hamak na mas maliit ito kaysa sa totoo at talagang idinisenyo para sa mga bata
  • Mga holen lamang ang ginagamit na bola rito at pinaparesan na lang ng isang simpleng patpat

Gumawa o ginawan ka rin ba noon ng “improvised billiards” o “bilyar-bilyaran”?

Image capture from Facebook

Para sa mga batang hindi pa makapaglaro sa mga totoong bilyaran, kaligayahan na noon ang magkaroon ng “improvised billiards”.

Mas popular sa tawag na “bilyar-bilyaran”, hindi hamak na mas maliit ito kaysa sa totoo at talagang idinisenyo para sa mga bata; madaling abutin dahil sakto lamang sa kanilang tangkad. Simple lang din ang mga ginagamit para makapaglaro nito: mga holen lamang ang ginagamit na bola at pinaparesan na lang ng isang simpleng patpat.

Sa Facebook group na We are 90s (Kami ang Batang 90s), nag-share ang social media user na Tin Champ ng mga larawan ng bilyar-bilyaran. Dito, binalikan ng mga batang 90s ang mga masasayang alaalang kakabit ng naging laruan nila noon.

“Mayroon ako niyan dati,” pagbabahagi ng Facebook user na si Lance Fortaliza. “Sa sobrang pagkahilig ko riyan noon, hindi na ako mautusan ng mama ko.”

“Heto ‘yong mga panahong we were making our own toys,” pagbabalik-tanaw ni Andi Ibarra.

“May ganiyan kami. ‘Yong papa ko, gumawa ng table na yari sa plywood. Tapos every Friday and Saturday, nilalaro namin ng kuya ko ‘yong pool,” kuwento ni Ri-an F Bosch.

Image capture from Facebook

“Naalala ko iyong ginawa kong ganiyan dati, grade 3 ako,” pag-aalaala ni Arjhay Molina. “Ako lahat ang gumawa simula sa pag-stapler ng tapete, banda na may goma ng tirador, lagari ng butas at simpleng stand. Holen din ang gamit kong mga bola; tapos pinaglumaan na stick ng mop, pinanipis ng lolo ko ‘yong dulo para magamit nang mas maayos. Nakaka-miss!”

Ikaw, ano ang mga hindi mo makalilimutan sa laruang ito?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: