Mga benepisyong makukuha sa malunggay: Pampalakas ng immune system

  • Sa panahon ngayon na may may novel Coronavirus o kilala rin sa tawag na nCov, mahalaga na palakasin ang pangangatawan
  • Bukod sa pagkakaroon ng proper hygiene, importante rin ang kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay
  • Ang gulay na malunggay ay isa sa mga pinakamura at pinakamadaling hanapin na pagkain na maaaring magpaganda ng ating immune system

Dahil sa pagkalat ng novel Coronavirus na nagsimula sa lungsod ng Wuhan sa China, pinag-iingat ngayon ang publiko upang hindi agad magkaroon o mahawaan ng nasabing virus.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News Public Affairs via YouTube channel

Bukod sa tamang pagsusuot ng surgical mask, pag-iwas sa matataong lugar, at pagkakaroon ng proper hygiene; mahalaga rin umano na palakasin ang ating pangangatawan o ang immune system. Lalo na ngayon at may naitala nang kaso ng nCov dito sa bansa.

Ayon sa mga ulat, ang mga taong may mahinang pangangatawan ang may malaking porsyento na magkaroon agad ng nCov. Kaya naman pinapayuhan ng Department of Health ang mga Pinoy na palakasin ang kanilang immune system upang hindi agad magkaroon ng karamdaman.

Ang pagpapalakas ng immune system ay hindi nangangailangan ng pagbili at pag-inom ng mga mahal na vitamins; ang simpleng pagkain ng gulay ay sapat na upang lumakas ang ating katawan.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News Public Affairs via YouTube channel

At isa umano sa epektibo, pinakamura, at pinakamadaling hanapin at lutuin na gulay ay ang malunggay. Ang malunggay o tinatawag din na Moringa oleifera or moringa ay mabisa sa pagpapagaling ng iba’t ibang karamdaman.

Ayon sa mga eksperto, ang malunggay ay isa sa mga pagkain na maaaring lumaban sa gutom at malnutrisyon. Nagtataglay din ito ng mga nutrients na nagpapalakas ng ating immune system upang panlaban sa anumang karamdaman.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News Public Affairs via YouTube channel

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagkain ng malunggay ay isa sa mga “preventive measures” ng publiko upang panlaban sa nCov.

“Drink a lot of fruit juices and eat, put malunggay in many of your soup or other foodstuff,” ani Duque. Ngunit pinaalalahanan nila ang publiko na ang pagkain ng malunggay ay hindi direktang nagpapagaling sa mga taong may nCov. Ito raw ay nagpapalakas lamang ng immune system ng ating katawan.

Upang malaman ang iba pang benepisyo ng malunggay, panoorin ang episode na ito ng programang Pinas Sarap:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: