
- Una munang nakilala si Nadine bilang kiddie host noong early 2000s
- Naging host siya ng kid’s variety show sa RPN-9 na Storyland noong 2002
- Kabilang din siya sa isa sa limang Disney Channel On Assignment reporters na nag-cover ng opening ng Hong Kong Disneyland noong 2005
Bata pa lamang ay nagpamalas na ng kahusayan ang popular at award-winning actress na si Nadine Lustre — hindi bilang isang aktres, kung hindi bilang isang kiddie host at performer.

Bago naging isang popular at award-winning actress, una munang nakilala si Nadine bilang kiddie host ng children’s variety show na Storyland sa RPN-9. Dito ay ipinakita niya ang kanyang gift pagdating sa hosting at ipinamalas din ang husay bilang performer.
“Nagsimula po ako sa Storyland. It’s a kid’s variety show on RPN-9. I used to host, dance, and sing doon po. Batang-bata pa lang. I think I was nine years old,” pagbabahagi niya sa isang panayam.
“It was fun kasi may ibang mga bata rin,” pagpapatuloy ng aktres.
Pagkalipas ng ilang taon, naging Philippine pride naman si Nadine matapos mapili bilang isa sa limang Disney Channel On Assignment reporters na napiling mag-cover ng opening ng Hong Kong Disneyland noong 2005. Ang kanyang mga kasama rito ay apat na kabataan na mula pa sa iba’t ibang bansa: mula sa Hong Kong, Malaysia, Korea, at Singapore.
“Hi! My name is Nadine Alexis P. Lustre and I am from the Philippines. I am one of the five lucky winners of Disney Channel’s On Assignment contest,” wika niya sa teaser video ng Disney Channel. “Catch me and the four other winners at the opening of Hong Kong Disneyland! Only here on Disney Channel, where dreams really do come true!”

Balikan ang isa sa mga performances ng batang Nadine noong kasalukuyan siyang host ng isang kids’ variety show sa RPN-9:
At kung paano siya naging Philippine pride nang mapili bilang isa sa limang Disney Channel On Assignment reporters na nag-cover ng grand opening ng Hong Kong Disneyland noong 2005: