Magtataho, ipinamimigay ang ‘di naibentang taho: Suki, nanawagang bayaran pa rin ang taho ni manong para makatulong

  • Isang magtataho ang ipinamimigay ang ‘di naibentang taho araw-araw pagsapit ng alas-9 ng umaga
  • Nakatawag pansin ito sa isang lalaki na siya namang nagpost ng kanyang kuwento sa social media
  • Nagkasakit pala si manong at may hiling sana para sa kanyang hanapbuhay

Mahilig ba kayo sa taho? Alam nating hindi madali ang pagbebenta nito dahil kadalasa’y mano-mano itong nilalako habang karga ng tindero ang mabigat na lalagyan.

Imahe via Jayson Villeza | Facebook

At isang magtataho ang pumukaw sa atensyon ni Jayson Villeza.

Ipinamimigay kasi ni Jimmy P. Conos nang libre araw-araw ang natitira niyang taho pagsapit ng alas-nuwebe ng umaga upang wala na siyang mabigat na bitbit pauwi.

Ayon kay Jayson, na-stroke raw si manong noong Mayo 2019 kaya mabilis na siyang mapagod at hirap sa paglalako. Nais niya raw sana magkaroon ng bisikleta upang mas mapadali ang kanyang pagbebenta. Kadalasa’y nasa Technological University of the Philippines Manila nakapuwesto si manong.

Ibinahagi ito ni Jayson sa social media at nanawagan siya sa mga bumibili na bayaran pa rin si manong kahit na binibigay na niya nang libre ang tinda niyang taho para makauwi na.  Nang araw na iyon, binili na rin niya ang kalahati ng benta ni manong.

Imahe via Jayson Villeza | Facebook

Ang daming naantig ang puso at nakiisa kay Jayson sa panawagan. Ang iba’y hiling na sana kahit libre mag-abot pa rin ng konting halaga ang mamimili.

Narito ang ilang pahayag ng mga netizens.

“Kadalasan ang mapagbigay ay ‘yong mga taong walang maraming pera dahil alam nila ang pakiramdam ng kinakapos o nangangailangan. Pagpalain po kayo tatay sa iyong kabutihan.”

“Sana may magbigay ng 3-wheel e-bike kay manong para hndi na puwersado sa paglalako.”

Imahe via Jayson Villeza | Facebook

“Kapag libre kabilis humingi. Kapag hindi libre dinadaan-daanan lang siya. Kawawa naman si manong. Sana matulungan. Buti pa si kuya ipinamimigay ang natitirang tinda huwag lang mapagod sa paglalako pauwi. God bless po. Ingat lang lagi.”

Umabot sa 18k reactions at 12k shares ang post ni Jayson Villeza.

Sana’y may ginintuang puso ang makapansin sa kanyang post at matupad ang hiling ni manong para kahit papaano, maibsan ang hirap sa kanyang paglalako.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: