
- Limang lalaking estudyante ang nagbigay ng mga heart balloons sa kanilang mga kaklase noong nakaraang Valentine’s Day
- Sobrang na-appreciate ang gesture na ito ng buong klase lalo na at pulos sila mga kababaihan
- Maraming pumuri sa idea na ito sa social media at naghayag na sana ay ginawa din nila ito sa kanilang klase
Pinatunayan ng isang post sa social media na ang selebrasyon ng Valentine’s Day ay hindi lamang para sa mga magsing-irog.

Sa mga larawang in-upload ng Twitter user na si Rafiela Yanong, makikita kung paanong pinaghandaan ng kanilang mga kaklaseng lalaki ang pagsurpresa sa kanila.
Ang mga lobo na hugis puso ay isa-isang tinali sa mga silya habang silang mga kababaihan ay wala pa classroom.
Base sa kanilang mga group pictures ay nasa tatlumpu ang bilang ng mga babaeng estudyante, samantalang lilima lamang silang mga kalalakihan.
Hindi maikakaila ang kagalakan ng mga ito sa effort na ipinakita ng kanilng mga kaklase.

“Soooo the only 5 boys of our class decided to surprise us girls with this for valentines day.”
Sa kasalukuyan ay mayroon itong humigit kumulang na 160K engagements. Karaniwan sa mga komento ng mga netizens ay paghanga sa ipinakitang sweetness ng mga estudyantent lalaki.
Bukod dito ay mayroon ding nagkomento na ang mga lalaking ito ay mabubuting boyfriends sa kanilang mga girlfriends.

Ang ilan sa mga komento ay:
“Good job! I’m sure they’ll be good boyfriends to their girlfriends. So thoughtful!“
“Woaaah! Salute to you boys! The hard work!!!”
“Your family must be proud of you!”