Libreng rosas na may kasamang sulat, ipinamahagi ng POPCOM bilang paalala sa mga kabataan

  • Bilang paggunita sa Valentine’s Day, namahagi ng libreng rosas ang Commission on Population and Development o POPCOM
  • Kasama ng mga rosas na ito ang isang sulat o paalala sa mga kabataan para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa
  • Personal ding pinangunahan ni Usec. Juan Antonio Perez III ang pamamahagi ng bulaklak sa isang LRT station

Kanya-kanya ng pakulo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para gunitain ang Valentine’s Day. Isa na ang Commission on Population and Development o POPCOM sa mga naghanda para sa okasyong ito.

Sa isang LRT station, namataan ang ahensya na namimigay ng libreng rosas sa mga kabataan ngayong umaga. Kasama nito ang isang sulat o paalala para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa Pilipinas.

Imahe mula sa video ng POPCOM via Facebook

Makikita naman sa isang Facebook post na personal ding pinangunahan ni Usec. Juan Antonio Perez III ang pamimigay ng libreng rosas.

“Piliin ang PANGARAP, huwag ipagpalit sa panandaliang sarap!” nakasaad sa sulat.

Ilang netizens naman ang nagpahayag ng saloobin tungkol sa teenage pregnancy. “I bet some contraceptives and sex education would go a long way in preventing teenage pregnancies,” reply ni Ria sa isang tweet.

Samantala, ipinaliwanag naman ng POPCOM sa isang press conference ang kasalukuyang kalagayan o status ng teenage pregnancy sa Pilipinas at ang mga puwedeng gawin para mapababa ang bilang nito.

“The number of girls aged 10-14 who get pregnant in the Philippines continue to rise. A 63% increase was observed from 2011-2018,” pahayag ni Usec. Perez.

Image
Imahe mula sa Twitter | GMA News

Dagdag pa ng POPCOM Chief, kasalukuyang mayroong 21 million adolescents (aged 10-19 years old) sa bansa at ayon sa mga ‘anecdotal information’ ng ahensya, karamihan ng ‘first sexual encounters’ ng mga teenagers ay nangyayari umano t’wing papalapit o sa mismong Valentine’s Day.

Dahil dito, inirerekomeda at hinihikayat ni Perez na piliin muna ng mga kabataan ang kani-kanilang pangarap para sa sarili. Dapat din daw ay mas maging accessible sa mga adolescents ang iba’t ibang uri ng family planning services.

“Family planning services must be made more accessible to adolescents who already have children,” saad niya.

Ang POPCOM ay isang technical and information resource agency na nakikipagtulungan sa national at local government agencies kaugnay sa Population Management Program ng bansa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: