Dating 2NE1 member na si Minzy, nasa Pilipinas para sa isang proyekto

  • Kumpirmadong gumagawa ng bagong proyekto ang K-pop idol at dating miyembro ng girl group na 2NE1 na si Minzy dito sa Pilipinas
  • Noong nakaraang Disyembre ay unang lumabas ang bali-balitang proyekto ni Minzy pagkatapos ng kaniyang pagtatanghal dito sa bansa
  • Hindi pa inilalabas ang buong detalye ngunit kasalukuyan umanong gumagawa ng bagong kanta ang K-pop idol sa isang recording studio sa Manila

Isa ka rin ba sa mga Blackjacks? Ito ang tawag sa fans ng kilalang K-pop group na 2NE1, kung saan ay miyembro ang naging Star Circle Quest Season 1 runner up na si Sandara Park. Kasama ni Sandara o nakilala sa tawag na Dara, ang tatlo pang miyembro na sina CL, Park Bom, at Minzy.

Imahe mula Instagram

Taong 2016 nang mag-disband ang 2NE1 at nag-kaniya kaniya nang focus sa kanilang indibidwal na mga career ang apat na miyembro nito. Ganito man ang nangyari sa grupo, sumusuporta pa rin ang Blackjacks at fans sa apat na idols na nananatili pa ring magkakaibigan.

Kamakailan, kinumpirma ng aktor at talent manager na si Guji Lorenzana na nandito sa bansa ang miyembre dati ng 2NE1 na si Minzy, hindi upang magbakasyon kundi para gumawa ng bagong proyekto kasama ang kompanya ni Guji na Open Door Management.

Imahe mula Instagram

Sa Instagram story ni Guji, ibinahagi niya ang behind-the-scenes video ng pagbisita dito sa bansa ni Minzy.

Sa isang Twitter post naman, nakitang magkakasama sina Minzy, ang kaniyang kapatid, si Guji, at ang team mula Open Door Management sa isang recording studio sa Manila. “New music coming soon!” saad ng Twitter post.

Unang lumabas ang bali-balitang posibleng proyekto ni Minzy dito sa bansa pagkatapos niyang magtanghal sa Cove Manila noong Disyembre. Kinanta pa nga ni Minzy dito ang mga 2NE1 hit songs nila na “I Love You” at “I Am the Best.”

Imahe mula Instagram

Noong Disyembre din inanunsyo ni Guji ang posibleng “music project” ng Open Door Management kasama si Minzy.

“And now a possible music project for @mingkki21 (Minzy)! She’s such the sweetest person! Amazing mtg w the new team last night!” ani sa tweet ni Guji.

Bukod sa kompirmasyon at mga updates sa social media, wala pang kumpletong detalyeng inilalabas tungkol sa music project na ginagawa ni Minzy na inaabangan naman ng maraming K-pop fans.


Loading...
Source :

MYX, Twitter

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: