Dalawang batang lalaki, hinangaan nang taimtim na nanalangin bago kumain

  • Tampok sa social media ang larawan ng dalawang batang lalaki na taimtim na nanalangin bago kumain
  • Marami ang humanga sa pag-uugali na iyon na minsan na lamang natin nakikita sa kabataan ngayon

Kailan ba kayo huling nagdasal bago kumain? Madalas ba ninyo itong ginagawa? O nahihiya kayong gawin ito sa labas ng bahay? O ‘di kaya’y madalas itong nakakalimutan dahil sa sabik nang makakain?

Imahe via Tom Sawyer Memes | Facebook

Kapag nasulyapan natin ang larawang in-upload ng Tom Sawyer Memes sa Facebook, talagang mapapaisip tayo kung nagpasalamat ba tayo sa mga biyayang ating natanggap.

Kita sa larawan ang dalawang batang lalaki na taimtim na nananalangin.  Nakatiklop pa ang mga kamay at nakapikit ang mga mata nila habang nagdarasal.  Talagang damang-dama nila ang pasasalamat sa Maykapal.

Malamang nakatawag ito ng pansin sa umupo malapit sa dingding na salamin kaya nakunan sila ng litrato.  Nakalagay sa styrofoam ang pagkain nila at may isang cup ng kanin ang makikitang nakabalot sa supot.

Humanga ang mga netizens sa mga batang lalaki dahil bihira na ang makikita mong ganito ngayon.  May mga kabataang nakalimot nang manalangin dahil mas inuuna ang social media bago kumain.

Dahil dito, umani ng papuri ang larawan.

“Sana lahat ng bata ganyan, marunong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.”

“Soon makikita natin itong dalawa na pinagpapala na ng Diyos dahil sa kabila ng kanilang kalagayan taos-puso ang kanilang pananampalataya at pagpapasalamat.  Rare na rare na mga ganitong bata. Salamat mga bata, lalo kong naappreciate ang buhay na mayroon ako.”

Imahe via Pixabay

At tama nga; may isang netizen ang nanalamin sa sarili dahil sa post na ito.

“Kelan ba ako nagdasal bago kumain ng pagkain na ibinigay ninyo Panginoon? Patawad po nakakalimutan kong magdasal at magpasalamat sa lahat ng biyayang pinakaloob ninyo sa akin last year at this year.”

Kaya ano man ang estado natin sa buhay, maliit man o malaki ang biyayang ating natatanggap, lagi tayong magdasal at magpasalamat upang lalo pa tayong gabayan ng Panginoon.  Huwag din kalimutang ituro ang magandang-asal sa mga anak dahil ang ugali na ganito ay sa tahanan simulang nahuhubog at nadadala na sa paglaki ng mga bata.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: