Comment ni Mayor Vico sa tila pang-commercial na buhok ng babae, kinaaliwan sa social media

  • Muli na namang kinakiligan sa social media si Mayor Vico matapos mag-comment sa isang post
  • Ayon sa kanya ay parang commercial model ang larawan ng isang babae habang nililipad ang buhok nito
  • Ang nasabing post ay kaugnay sa isang ekwelahan sa Pasig na ipinapakita ang paggamit ng infrared thermometer sa mga papasok na estudyante

Bukod sa kahanga-hangang serbisyong pampubliko na ipinapakita ng alkalde ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto, hindi rin maikakaila na ang taglay nitong charm at humor na madalas nakikita sa social media ang isang dahilan kung bakit siya paboritong kaaliwan ng mga netizens.

Imahe via Vico Sotto | Twitter

Nito lamang ay trending muli ito sa Twitter matapos niyang i-retweet ang isang post na mistulang photo collage ng isang babae na may magandang pagkakakuha sa hinahangin nitong buhok.

“Yung last pic parang model lang ng Pantene si Ate ng OPS”

Maraming netizens ang natawa at kinilig dahil sa nakakatawa nitong komento. Isa na sa mga ito ang sikat na social media influencer na si Mimiyuuuh.

Ang nasabing larawan na pinost ng Twitter user na si @mariajonnavie ay kanyang reply sa original post ng alkalde ukol sa paggamit ng mga infrared thermometers sa mga matataong pampublikong lugar gaya ng mga paaralan at ng Pasig City Hall.

Imahe via Vico Sotto | Twitter

Ang hakbang na ito ang isa sa mga ipinatutupad ng siyudad bahagi ng kanilang precautionary measures laban sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Sa post ng nasabing netizen ay ipinapakita ang paggamit ng Manggahan High School sa ibinigay ng pamahalaan na thermometer para sa mga papasok na estudyante.

Imahe via @mariajonnavie | Twitter

“Ang funny mo Mayor. Kaya nafa-fall na ko sayo eh!”

“Vico Sotto is the bachelor we wish we end up with… smart, witty, good looking and with sense of foresight, governance and leadership.”

Hi Mayor @VicoSotto! Sana po mabigyan din po ang SCEI/SPED Department para magamit din po sa aming mga SPED students. Thank you po mayor.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: