
- Isa na ngayong ninang ang 10-year-old child wonder na si Xia Vigor
- Ang unang inaanak ni Xia ay si Lily Soberano, ang napaka-cute na pamangkin ng popular actress at other half ng LizQuen na si Liza Soberano
- Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Xia na hindi pa niya gaanong nauunawaan ang responsibilidad ng isang ninang ngunit handa raw siyang matutunan ito nang lubusan
Ilang taon ka noong unang beses kang nagkaroon ng inaanak?

Sa edad na 10, isa nang ganap na ninang ang child wonder na si Xia Vigor matapos binyagan kamakailan ang kanyang unang inaanak na si Lily Soberano; ang pamangkin ng popular Kapamilya actress at other half ng LizQuen na si Liza Soberano.
Sa Instagram, ibinahagi ni Xia ang ilan sa mga larawang kuha sa kanila sa binyag ni Lily. Saad niya sa caption ng mga litrato, “We love you, Lily! We will be here for you always as your godmothers!”
Kinagiliwan ng maraming Instagram users ang post na ito ni Xia na nakakakuha na ng libo-libong favorites, as of posting.
“So much love,” wika ng Instagram user na si @iamjopayreyes.
“Ninang Xia,” kumento ni @jeneyguzman108. “You will be the best godmother ever! I see you as a very caring person. Lily is so lucky to have you as a godmother.
Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Xia na hindi pa niya gaanong nauunawaan ang responsibilidad ng isang ninang ngunit handa raw siyang matutunan ito nang lubusan.
“First time ko nga po, e, na magiging ninang. Sa ngayon po, hindi [ko] pa po [naiintindihan nang] sobra [ang responsibilities ng isang ninang] pero ipapa-explain ko po kay Mommy para po mas maintindihan ko po,” pagbabahagi ni Xia sa isang naunang panayam.

Narito ang isang video na kuha mula sa isang press conference kung saan naikuwento kamakailan ni Xia ang tungkol sa pagnininang niya sa unang pagkakataon: