Biskuwit, tsitsirya, atbp.: Anong pasalubong ang madalas mong dala kapag umuuwi ng probinsya?

Image capture from Facebook
  • Nakasanayan na ng mga Pilipino ang pagbili ng mga pasalubong para sa mga naghihintay sa kanila tuwing uuwi ng probinsya
  • Ilan sa mga madalas ipasalubong ang mga biskuwit, tsitsirya, matatamis na pagkain, at iba pa
  • Sa post ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga klase ng pasalubong na madalas nilang dinadala sa tuwing uuwi ng probinsya

Tila tradisyon na ng mga Pinoy ang pagbili ng mga pasalubong sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa tuwing uuwi ng probinsya.

Image capture from Facebook

Ilan sa mga madalas ipasalubong ay ang mga biskuwit na nasa lata, malalaking balot ng tsitsirya, matatamis na pagkain, at marami pang iba. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan marami ang mga klase ng pasalubong na madalas nilang dinadala sa tuwing uuwi ng probinsya.

“Siyempre, kapag uuwi ng probinsya, kailangan may pasalubong,” saad ng admin ng page na si Floyd.

“‘Yong lata po ng assorted biscuit ang lagi naming dala noon pauwi ng probinsiya galing ng Manila. Hanggang ngayon bumibili pa rin po ako niyan kapag umuuwi sa amin. Lalo ko naaalala ‘yong kabataan ko,” pagbabahagi ni Erth En Fayr.

“Ang sarap ng panutsa!” kumento ni Agnes Arellano Parac.

“Laging pasalubong noon from Manila to province ang assorted bisquits sa lata. Kapag naubos na iyong laman, ang lata ay gagawing bigasan,” pagbabalik-tanaw ni Josephine Callejo.

“Bahala na walang biscuits basta may mani. Kahit anong klaseng luto ng mani is my favorite since bata ako,” sabi ni Melai Alcampor.

“‘Yan po ang pinampapasalubong namin kapag umuuwi sa Mindoro,” kuwento ni Jovelyn Cahilo Bergonia. “Dumadaan po kami ng Batangas. Mani na matamis at assorted biscuits ang binibili.”

“Hindi kumpleto ang bakasyon kung walang dalang pasalubong sa kamag-anak at kapit-bahay,” wika naman ni Menchie Cadungon.

Image capture from Facebook

Ikaw, ano ang madalas mong iuwi sa mga kamag-anak at kaibigan mo sa probinsya?