
- Pinakain ng isang binatang may mabuting kalooban ang isang matanda na nanginginig na sa gu
tom - Sa Facebook, ibinahagi ng isang netizen ang larawan ng lalaki habang pinakakain ang matanda
- Pagbabahagi niya sa caption ng litrato, halos hindi na raw maisubo ng lolo ang pagkain dahil sa panginginig nito sa gu
tom
Paminsan-minsan, sa gitna ng isang ordinaryong araw, ay makakikita tayo ng mga bagay na magpaparamdam sa atin na maganda pa rin ang mundo kahit na hindi ito perpekto — katulad na lang ng pagtulong ng isang tao sa isang estranghero.

Katulad na lamang ng isang eksena na nasaksihan ng netizen na si Carl Christopher Martin sa isang kainan sa Marikina-Bayan. Pagbabahagi niya sa caption ng litrato na ini-upload niya sa Facebook, halos hindi na raw maisubo ng matanda ang pagkain dahil sa panginginig nito sa gutom.
“Napakabait, pinakain si lolong nanginginig pa habang kumakain at halos ‘di na maisubo ‘yong food,” wika ni Martin sa hindi nakikilalang lalaki na sa kabutihan ng puso ay hindi nag-atubili na magbahagi sa nangangailangan kahit pa hindi niya ito kilala.
“Salute to this guy,” papuri ng nag-post. “Hindi siya nagdalawang-isip na alalayan, bantayan, at ilibre si lolo. Mag-isa pa yatang pupunta ng Antipolo si lolo. Sadness. May God bless them both.”
Sa comments section ng post, pinuri ng maraming social media users ang lalaking nasa larawan. Wala itong mukha at pangalan ngunit nakuha nito ang respeto ng mga taong naantig sa kanyang kabaitan. Hangad ng mga taong ito na mas pagpalain pa siya ng Panginoon dahil karapat-dapat lang naman daw ang nag-uumapaw na biyaya para sa mga katulad niya.
Maging inspirasyon din ang lalaking ito sa iba na huwag magdalawang-isip na tumulong sa nangangailangan.

Sabi ng netizen na si Gemma A. Gapusan, “Basta kung may makita tayong tao na nangangailangan, hindi man magsalita o humingi sa atin, tumulong tayo.”