Barbie sa kanyang ‘Ate Angge’: Napakaganda, napakabait, napakalalim na tao

Image via Barbie Imperial | Instagram
  • Nagbahagi ng isang appreciation post ang aktres na si Barbie Imperial para sa kanyang “Ate Angge” na si Angelica Panganiban
  • Sa Instagram, ikinuwento ni Barbie na nag-open up siya kay Angelica at binigyan siya nito ng magagandang payo
  • Aniya, bukod sa napakaganda nito ay napakabait din at napakalalim na tao

Isa sa mga nagmamahal at gumagabay sa young actress na si Barbie Imperial ang kanyang “nakatatandang kapatid” sa industriya na si Angelica Panganiban.

Image via Barbie Imperial | Instagram

Sa Instagram, nagbahagi si Barbie ng isang appreciation post para sa kanyang “Ate Angge”. Sa caption ng litrato, ikinuwento ni Barbie na nag-open up siya kay Angelica at binigyan siya nito ng magagandang payo. Aniya, bukod sa napakaganda nito ay napakabait din at napakalalim na tao.

“Kagabi na-feel ko lang mag-open up ng mga bagay-bagay dito sa taong ito…at grabe siya! Napakalalim niya magsalita at magbigay ng advice,” pagbabahagi ng aktres. “Napakaganda niya na, napakabait niya pa.”

Pinasalamatan niya ito sa mga payo nito sa kanya na nagbigay daw talaga ng inspirasyon.

“Iba ka, Ate Angge, sobrang ibang klase ka po na tao, as in, wala kang katulad,” wika ni Barbie. “Grabe ‘yong puso mo. Salamat ate sa mga advice mo at sa mga sinabi mo kagabi. Sobrang na-inspire ako.”

Paalala ni Barbie kay Angelica, “Maraming nagmamahal sa iyo, Ate, at isa na ako roon. I love you, Ate Angge!”

“Love you, Barbs,” kumento naman ni Angelica na nilakipan pa nito ng heart emoji.

Natuwa ang maraming social media users sa post na ito ni Barbie. As of posting, nakakuha na ito ng lamang 172,000 favorites.

Image capture from Facebook

Tunay nga na malaking bagay na makatagpo ng mga tunay na kaibigan at pamilya sa isang abalang industriya na katulad ng showbiz industry; mga samahang nagiging sandigan magkasama man sa isang proyekto o hindi.