“Barbie ng Angkas”: Netizens bumilib sa determinasyon at pagmamahal sa pamilya ng isang trans Angkas biker

  • Saludo at paghanga ang natanggap ng isang trans Angkas biker mula sa daan-daang netizens
  • Ito’y matapos n’yang ikuwento sa Facebook ang kanyang determinasyong magtrabaho para sa pamilya niya
  • Nagpasalamat naman ang “Barbie ng Angkas” sa lahat ng nagpaabot ng suporta sa kanya

Hindi maitatanggi na sa kultura ng mga Pinoy, laging nangunguna sa priority natin ang pag-aalaga sa pamilya. Sila ang kadalasang dahilan kung bakit tayo nagpupursige sa pag-aaral o ‘di kaya ay sa pag-tatrabaho.

Kapag tayo rin ay napapagod, iniisip natin sila para magkaroon ng lakas ng loob na lumaban ulit. Sa madaling salita, sa pamilya natin tayo kumukuha ng lakas at determinasyon upang harapin ang mga hamon sa buhay.

Imahe mula sa Facebook | Alexis Valencia

At katulad ng karamihan sa atin, ganito rin ang kuwento ng trans Angkas biker na si Alexis Valencia. Nakilala siya sa social media matapos mag-trend ang Facebook post kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagmamahal para sa pamilya.

“Para sa 6 na kapatid ko at lahat sila ay pinag-aaral ko at para sa magulang ko na hindi na kaya magtrabaho gagawin ko lahat para makatapos kayo at mabuhay kayo, saka na ‘yung para sarili ko! Kaya laban self marami pa tayong byahe na pupuntahan,” saad ni Alexis.

Agad namang nabasa at napansin ng netizens ang post ni Alexis kaya marami ang naantig at bumilib sa determinasyon at pagmamahal sa pamilya na ipinamalas ng “Barbie ng Angkas”.

“Nakakatuwa hindi pinabayaan ang pamilya. Kudos po saludo ako sa’yo!” komento ni Josias Lorenzo Pinzon Lpt. “Takbong barbie lang para safe lagi sa road girl. God bless your trip!” pahayag naman ni Ronnie Drew Sumulong.

Samantala, kasalukuyang umabot na sa mahigit 12,000 reactions at 3,400 shares ang post ni Alexis sa Facebook group na “ANGKAS MNL GROUP”.  Doon din niya ipinaabot ang pasasalamat para sa bumubuhos na suporta ng netizens.

“Maraming salamat po sa pag comment and likes react po hindi ko po akalain na ganito ‘yung kalalabasan kung maaari po pa share na din asahan ko po salamat po God bless sa inyo at sa family niyo,” galak na pahayag ni Alexis.

Ilang Facebook page na rin ang nag-repost ng kuwento ni Alexis. Kabilang na rito ang Tee Radio at HugotBeki.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: