Bandang Up Dharma Down, magiging special guest sa concert ni Alanis Morissette

  • Pagkatapos ng halos 24 na taon, muling magkakaroon ng concert dito sa Pilipinas ang award-winning singer na si Alanis Morisette
  • Kasabay ng ticket selling para sa concert, inanunsyo ng concert producer na magiging special guest ni Alanis sa concert ang OPM band na Up Dharma Down
  • Ang nasabing concert ay gaganapin sa paparating na Abril 6 sa Mall of Asia Arena

Isa sa mga inaabangan ng mga Pinoy sa pagsisimula ng taon ay ang malaman ang mga local at international artists at singers na magkakaroon ng concert dito sa bansa.

Imahe mula kay Alanis Morissette via Instagram

At para sa mga fans ng award-winning singer na si Alanis Morissette, ngayon na ang pagkakataon nilang mapanood ang singer dito sa bansa pagkatapos ng halos 24 na taon.

Taong 1996 pa nang huling mag-concert si Alanis dito sa Manila. At ngayon, para sa selebrasyon ng kaniyang ika-25 na anibersaryo sa music industry, magkakaroon ang Canadian-American singer ng world tour at kabilang nga dito ang Pilipinas.

Noong nakaraang Disyember, muling naglabas ng bagong kanta si Alanis pagkatapos ng halos walong taon. Kasabay nito ay ang pag-anunsyo niya ng pagkakaroon ng world tour.

Imahe mula sa Ovation Productions via Twitter

Kasabay ng kaniyang world tour ay ang pagpromote din ng nasabing singer ng kaniyang bagong album na may title na “Jagged Little Pill.”

Sa album na ito ay muling maririnig ng fans ng singer-songwriter ang kaniyang mga nakilalang kanta noong 1990s na “Ironic,” “Hand in My Pocket” at”You Oughta Know.”

Sa pag-anunsyo ng ticket selling, sinabi rin ng concert producer na Ovations Production na magiging special guest sa concert ni Alanis ang kilalang OPM band na Up Dharma Down o kilala rin sa tawag na UDD.

Imahe mula Bandwagon PH via Twitter

Kilala ang UDD sa kanilang mga sentimental songs tulad ng “Oo” at “Tadhana.” Maraming Pinoy naman ang nagalak at na-excite sa pahayag na ito.

Ang presyo ng nasabing concert ay nagkakahalaga mula P2,700 hanggan P12,700. Maaari nang bumili ang publiko ng concert tickets sa SM Ticket outlets. Gaganapin ang concert sa darating na Abril 6 sa Mall of Asia Arena.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: