Balik-tanaw: ‘Pom-pom Socks’, ang popular na medyas noon para sa mga kababaihan

  • Kabilang sa mga popular na klase ng medyas noon sa mga kababaihan ay ang “Pom-pom Socks”
  • Sa post ng isa sa mga miyembro ng Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga “young once” ang panahong usong-uso ang Pom-pom socks
  • Wika nila, dahil sa nakalawit dito na katulad ng mga “pom-pom”, pakiramdam daw nila noon ay mga “fashionista” sila kapag suot nila ito

Isa ka ba sa mga gumagamit ng “Pom-pom Socks” noon?

Image capture from Facebook

Hindi maitatanggi na kabilang sa mga popular na klase ng medyas noon sa mga kababaihan ay ang “Pom-pom Socks”. Simple ang disenyo pero may dating, bukod pa sa pagiging malambot at kumportableng suotin.

Sa post ng isa sa mga miyembro ng Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga “young once” ang panahong usong-uso ang mga medyas na kung tawagin ay “Pom-Pom Socks”.  Sabi pa nila, dahil sa nakalawit dito na katulad ng mga “pom-pom”, pakiramdam daw nila noon ay mga “fashionista” sila kapag suot nila ito, kaya naman ang iba ay nag-ipon pa para lamang makabili at makagamit ng usong medyas na ito.

“Girls, naaalala n’yo pa ba ito? Sino ang mga nakagamit nito noong elementary o high school days?” tanong ng nag-post na si ‎Yolanda Nanale‎ sa caption ng litratong kanyang ini-upload.

“Ako!” tugon ni Lorna Austria. “Ang ganda sa pkiramdam at feeling fashionista ako.”

“Oo, noong high school days ganiyan ang medyas ko tapos Kung Fu Shoes ang sapatos,” pagbabalik-tanaw ni Mary Jane Caliwan.

“Panahon namin noong nauso iyan pero ayaw akong ibili ng nanay ko,” pagbabahagi ni Mariqueta Sunga. “Iyong ipon ko ang ipinambili ko ng kaisa-isang ‘medyas na may bola’ na mayroon ako noon.”

Image capture from Facebook

Ano ang mga naaalala mo sa pagsusuot ng “Pom-pom Socks”? Pakiramdaman mo rin ba noon ay isa kang fashionista?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: