Balik-tanaw: Netizens muling sinariwa ang isa sa mga paboritong libangan noong elementarya

  • Sa isang Faceook post, sinariwa muli ng netizens ang kani-kanilang nakaaaliw na karanasan kaugnay sa paglalaro ng “Stop”
  • Ito ang patok na laro noon kung saan iginuguhit sa papel ang iba’t ibang hugis at anyo ng ating mukha
  • Sa kabila ng paglipas ng panahon, marami pa rin ang hindi nakalilimot dito lalo na’t isa ito sa mga pinakapaboritong libangan t’wing nasa eskwelahan

Bago pa man nauso ang samu’t saring apps at games sa cellphone, sa paggamit ng simpleng papel at ballpen nakahanap ng libangan ang mga estudyante noon.

Bukod kasi sa paggawa ng barko at eroplanong papel, natuto na rin silang mag-imbento ng mga nakaaaliw na laro kahit walang ginagamit na gadgets.

Imahe mula sa Facebook | Lex Lic

Isa na rito ang “Stop” na tinaguriang isa sa mga pinakapaboritong libangan ng mga batang 90’s sa eskwelahan. Kasama ang mga malalapit na kaibigan, tiyak na sabay-sabay silang na-excite na alamin kung ano ang magiging “itsura” nila sa oras na matapos ang larong ito.

Simple lang din ang mekaniks sa paglalaro ng “Stop”.

Sa isang papel, iguguhit ang iba’t ibang hugis at anyo ng ating mukha — mula mata, ilong, tenga, labi, buhok, leeg, kilay, at iba pa. Sunod, mabilis namang iho-hover o itatapat ang ballpen sa mga iginuhit na bahagi ng mukha.

Habang ginagalaw, hihintayin ng kalaro mo na magsabi ka ng “Stop” at kung saang disenyo huminto ang ballpen, iyon na ang magiging itsura o anyo ng iyong facial features. Puwede ka ring gumuhit ng mga “nakakalokang” itsura para mas magkaroon ng thrill ang inyong laro.

Biro pa nga ng uploader ng isang viral Facebook post tungkol dito: “Di naman sa pagmamayabang pero yung itsura namin dati nakadepende sa pagsabi mo ng STOP.”

At dahil muling nag-trending ang post na ito, nakahanap ng pagkakataon ang mga netizens para sariwain ang kani-kanilang nakaaaliw na karanasan tungkol sa paglalaro ng “Stop”. Kanya-kanyang tag na rin sila sa mga kasama nilang naglaro noon sa paaralan.

Imahe mula sa Facebook | Maricar

“Ito yung ‘di ko malilimutan noong elementary kami. Nakakamiss ‘di ba?” kuwento ni Erika Ubay Escalante.

“Wala pang ‘shaming’ noon. Kung ano ka sa drawing, ‘yun ka na! Hahaha,” biro naman ni Maricar.

Ikaw, naranasan mo rin bang laruin ito noon?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: