Balik-tanaw: Mga baryang nakasemento sa may pinto, bakit nga ba inilalagay noon?

Image capture from Facebook
  • Madalas tayong makakita ng mga barya na nakasemento sa sahig na nasa ibaba ng pinto ng bahay noon 
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang pamahiing kaugnay ng paglalagay ng mga barya sa main door ng bahay
  • Wika nila, pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte ang mga ito

Madalas ka rin bang nakakakita ng mga barya na nakasemento sa sahig na nasa ibaba ng main door ng mga bahay noon? Mayroon bang mga ganito sa mismong pintuan ninyo? Para saan nga ba ang mga ito?

Image capture from Facebook

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang pamahiing kaugnay ng paglalagay ng mga barya sa main door ng bahay. Wika nila, pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa mga nakatira ang mga ito.

“Hahaha mayroon kami niyan, pampasuwerte raw,” saad ng social media user na si Jheng Navarroza Dayrit.

“Nagpapasok daw ng suwerte ang mga barya na nakadikit sa pasukan ng bahay,” pagbabahagi ni Ester Onainim.

Chatuh Michelle Ablao Tejano Dati bahay namin marami coins sa may pintuan..trip ng tatay ko..

Sabi naman ng isang netizen na si Lily Reyes, “Pampasuwerte raw kapag naglagay niyan, pero ngayon ko lang na-realize na nakakatibay pala ng semento iyan. Parang binder. Hehehe!”

May mga nagsabi rin na sinusubukan nilang kuhanin ang mga baryang ito noong bata sila para maipambili nila sa tindahan o maidagdag sa baon sa paaralan.

Sa katunayan, ang iba sa kanila, kahit alam naman daw na nakasemento ang mga ito at imposibleng matanggal gamit lamang ang kanilang mga kamay, ilang ulit pa rin daw nilang sinubukang makuha ito.

Image capture from Facebook

Samantala, may mga nagbahagi naman na walang ganito sa kani-kanilang bahay noon dahil naniniwalan naman sila at ang mga nakatatanda sa pamilya na masamang tinatapakan ang pera dahil nagtatampo ang grasya.

“Ano ba talaga?” tanong tuloy ng iba.

Kayo, ano sa palagay n’yo?