Balik-tanaw: Ang original na larong “ML” noon, nagpaubos ng tinta ng ballpen ng kabataang 80s at 90s

  • Ibinahagi sa social media ang balik-tanaw sa original na ‘ML’ ng batang 80s at 90s
  • Ito ang larong ang layunin ay maabot ng guhit ng ballpen ang kampo ng katunggali
  • Masayang binalikan ng mga netizens ang kanilang alaala sa larong minsa’y nagpaubos ng tinta ng kanilang ballpen

Noon, hindi lamang sa pagsusulat ng mga aralin nauubos ang tinta ng ballpen ng batang 80s at 90s. Aba’y ang larong ito ang isa rin sa dahilan.  Pati pahina ng notebook nauubos din dahil ito.

Imahe via Ronescape | Facebook

Simple lamang ang mga laro ng kabataan noon. Karamihan kinakailangan ng liksi ng katawan lalo na’t may nagaganap na takbuhan at habulan.  Ngunit hindi sa lahat ng oras kailangang lumabas o tumayo para makapaglaro noon.

Dahil sa larong ito, kahit nakaupo ka lang basta’t nariyan ang talas ng iyong isipan at galing sa paggawa ng stratehiya ay tiyak maaaliw ka na.

Sa Facebook page na Ronescape, tinawag itong laro na “ML ng kabataan” noon.

Sa magkabilang dulo ng papel, gagawa ng kampo ang mga manlalaro. Ang layunin ng laro ay mapasok at matamaan ng guhit ng ballpen ang kampo ng katunggali.  Sa simula, ipatatayo ng unang manlalaro ang kanyang ballpen mula sa kanyang kampo.  Pipitikin niya ito upang makagawa ng guhit sa papel.  Sa dulo ng guhit, lalagyan niya ito ng kanyang hukbo.

Ganon din ang gagawin ng katunggali hanggang sa magkalapitan ang dalawang hukbo at mag-uunahan sa pagtama ng guhit sa hukbo hanggang sa makarating sa kabilang kampo.

Minsan, pag masyadong napadiin ang ballpen, nabubutas ang papel.  Haha.  O ‘di kaya’y sa lakas ng pitik, natitilapon ang ballpen.  Kaya paminsan-minsa’y mapatatawa ka nito.

Napakadaling gawin nito at hindi nangangailangan ng kuryente at internet.  Kaya naman marami sa mga estudyante ang nakahiligan ito.

Sinariwa ng mga netizens ang kanilang karanasan na karamihan ay noong kanilang elementary days.

Imahe via Ronescape | Facebook

“Ito yong panahon na nagkauubusan na ng pahina ang notebook dahil dito.  Tapos noong magchecheck na ‘yong teacher sa mga nasulat at assignments, pag bukas ito ang bubungad sa kanya.”

“Talo ang mahinang ballpen sumulat dito.” Tama. Masarap to laruin lalo na sa madulas na ballpen.

Samatala, may naglalaro pa ba nito ngayon? Ibahagi naman ninyo sa amin ang inyong kuwento!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: